Tama na
Agad akong nag-ayos, at iniwan na si Christian sa loob. Baka kasi may makakita saamin e. Agad akong dumeretso patungo kay Dino, at nakahalukipkip siyang nag aabang saakin.
"Ba't ang tagal mo?" Tanong niya saakin, "Hindi ko kasi mahanap 'yung sarong ko kaya nagtagal ako sa kwarto." Totoo naman na hindi ko talaga makita ang sarong ko.
"Let's go? Swimming na tayo?" Aya ko sakanya, tumango naman siya at pinagsalikop ang kamay namin.
Naki-sali kami sa mga kaibigan na namin na naglalaro na sa tubig. Ang sa-saya nilang tignan. Naglalaro sila ng paunahan matumba, si Sallie ay nakasakay sa balikat ni Clarence, si Nadine kay kuya, at si Summer kay Carl. Napatingin sila saamin, "Dino, Sam, tara sali kayo saamin."
Nagtinginan kami ni Dino atska tumango. Umangkas ako sa balikat ni Dino at ang kalaban ko ay sina kuya at Nadine. Napakalakas ng tawanan namin ng unang matumba si Nadine. "Sorry, Nadine. Looser lang talaga ang boyfriend mo." sabi ko sakanya, "Ayos lang. Papalitan ko na nga 'yan sa susunod e." nag tawanan namin kaming lahat.
Habang naglalaro kami sa tubig magkakaibigan ay nakita ko si Christian sa 'di kalayuan na ang sama ng tingin saakin at kay Dino. Hindi ko na lang siya pinansin dahil nag-eenjoy ako mag laro kasama sila.
"Babe, tara na. At baka pagod ka na." pag-aya saakin ni Dino tumango naman ako dahil pagod naman na talaga ako. Iniabot niya saakin ang tuwalya at inilagay sa balikat ko, at pinunasan ako. Napangiti naman ako sa ginawa ni Dino. Ang sweet niya.
Nang makabalik kami sa cottage ay masama pa rin ang tingin niya saakin, naka-receive ako ng text galing sakanya.
Christian:
Bakit ka sumakay sa balikat nun? Baka minamanyak ka lang nun.
Ako:
Chill, it's just a game.
Christian:
I don't care if it's just a game. Ayokong hinahawakan ang pag mamay-ari ko.
Napangiti naman ako sa reply niya saakin.
Naligo na kaming lahat, dahil balak na lang namin na kumain sa isang restaurant at mag inuman doon.
Naka receive ako ng text mula kay Dino.
Dino:
Nasa resto na kami. Punta na kayo dito.
Ako:
Okay. See you.
Nagpunta na kaming girls sa restaurant 'di kalayuan sa hotel na pinagstay-an namin. Nakita namin na may order na silang foods, at drinks. Ang sasarap nga e, may inihaw na isda, barbecue at kung ano ano pa.
Tinapik naman ni Dino ang pwesto sa tabi niya, kaya doon ako naupo. "Babe, baka may gusto ka pa. Anong gusto mong order?" nginitian ko siya, "I'm fine, Dino. Ayos na ang mga inorder niyo. Ang dami na nga nyan e." ngumiti naman siya at inakbayan ako. Nakita kong sinamaan ako ng tingin ni Christian.
"Guys, saan tayo bukas?" Tanong ni kuya, "Hmm. Surf tayo bukas." sagot ni Christian. Sumagot naman ako, "That's a good idea. Let's surf tomorrow. Gusto kong subukan iyun e. Dino, turuan mo ako mag surf. Diba ay sanay ka non?" tumango siya saakin, "Yes. Sige, I'll teach you tomorrow."
Lumipat kami sa bar dito lang malapit sa beach. Gusto daw kasi nilang mag-inuman. Kami namang girls ay nandito lang at nag kwe-kwentuhan ng kung ano-ano.
"Grabe! I really had fun kanina. Unang araw pa lang, pero ang saya na. What more sa mga susunod na araw." Sabi ni Summer, sumangayon naman kami sakanya, "Oo nga e, sanay ba kayong mag surf?" tanong ko sakanila, "Hindi. Pero I'll ask Carl to teach me tomorrow. Sanay naman iyun mag surf e." sagot ni Summer. "Ako, kay Dino ako magpapaturo. He's a pro."
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover