28.

60 1 0
                                    

The Truth

Inihatid na ako ni Christian sa condo ko, tapos ay inilapag niya na ang mga pagkain na binili namin kanina.

"Gusto mo ba dito ka muna? Kain muna tayo?" Sabi ko sakanya, hindi ako makapaniwalang nasabi ko 'yun.

Tumingin siya saakin, "Sigurado ka? I mean, ayos na ayos saakin pero.." Ngumiti ako, "Oo naman. Ayos lang."

Inayos ko na ang sala at inayos na ang mga pagkain na binili namin kanina. Siya ang nag microwave nung popcorn tapos inayos ko na sa sala 'yung mga iinumin namin.

Nag handa din ako ng papanoorin namin, horror movie daw ang gusto niya kaya naman ayun ang sinalang ko.

"Is it okay na uminom dito sa condo mo?" Tanong saakin ni Christian, "Yeah, it's okay lang naman."

Naupo na kaming dalawa, madilim na ang paligid at handa na ang lahat. Kumakain na ako ng popcorn habang nararamdaman ko na gumagapang ang kamay niya sa likod ko, inalis ko naman ito.

"Please? Tayong dalawa lang naman e. Walang makakakita." Pag mamakaawa ni Christian, kaya naman tumango na lang ako sakanya kahit na medyo naiilang ako.

"Thank you, baby ko." Inirapan ko siya, "Baby ko ka dyan. Hambalusin kita e."

Medyo natatakot na ako sa pinapanood namin. Paano ba naman ay hinahabol na siya nung multong papatay sakanya.

Naramdaman ko na lalong umuusod si Christian saakin at niyayakap niya ako, akala ko nung una ay natatakot siya ayun pala ay nanananyansing.

"Hoy kupal. What are you doing?" Lumayo ako sakanya, "Natatakot ako." Nag boses babae pa siya at mas lalo akong niyakap.

"Get off me, manyak." Pang-iinis ko sakanya, "Manyak agad? Hindi ba pwedeng natatakot lang at gustong yakapin ang babaeng pinaka mamahal ko?" Tumawa ako, "Cheesy mo dude."

Pero kahit na ganoon ay kinikilig pa din ako. Medyo inaantok na ako, at bumabagsak na ang ulo ko, nagulat ako nang ilagay ni Christian ang ulo ko sa balikat niya.

"Sige matulog ka na kung inaantok ka na." Hinalikan niya ako sa noo, ngumiti naman ako ng palihim.

"Ayoko, hindi pa ako inaantok. Christian, pwede bang ganito muna ang pwesto natin ngayon?" Sabi ko sakanya, naramdaman ko naman na ngumiti siya. "Oo naman. Bakit?"

"Gusto ko maging honest sa'yo, sobrang namimiss na kita. Lalo na pag ganito." Tinignan ko siya, nakatingin na pala siya saakin.

Inilapit niya ang mukha niya saakin, "Mas lalo ako. Sobrang miss na miss na kita. Higit pa sa akala mo."

"Christian, hanggang kailan ba tayo ganito?" Seryoso kong tanong sakanya.

"Bakit suko ka na ba saatin?" Tanong niya saakin habang ganoon pa din ang pwesto namin. Umiling ako, "Hindi. Ayoko lang mag hintay sa walang kasiguraduhan. Gusto ko, mabalik na sa dati. 'Yung wala si Jane. 'Yung tayong dalawa lang."

Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa pisngi, "Pangako, maayos din ang gusot na pinasok ko. Basta tandaan mo, mahal na mahal kita."

"Please, Christian. Just tell me the truth. Ano ba talaga ang ginawa mo para umabot tayo sa ganito?" Pag pilit ko sakanya.

STARTING OVER AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon