Let her go
Pagkatapos nang nangyari sa studio ay agad ko nang hinila si Dino papuntang sasakyan. Itinext ko na lang si Sarah na ayusin niya na lang ang mga naiwan na gamit ko doon sa studio.
"I'll fix your face Dino, imi-meet pa natin ang parents ko." tumingin siya saakin at tumango.
"Ako na ang mag da-drive, sa bahay mo muna tayo. Aayusin ko muna ang mukha mo, baka mag tanong pa saakin sila mommy e." pumunta ako sa driver's seat at nag maneho na
Nararamdaman kong nakatingin saakin si Dino habang nagmamaneho ako, "Ano pang ginawa niya sayo?"
napatingin ako sakanya sandali at tinuon na ang pansin sa daan, "Wala na, he just uh kissed me. Pero itunulak ko naman siya agad." hindi na muling umimik si Dino.
Nakarating kami kaagad sa bahay niya, kinuha ko ang first aid kit at umakyat na sa kwarto niya, pagka bukas ko nang pinto ay nagulat ako sa nakita ko. He's shirtless. Ang ganda pala ng katawan niya, ngayon ko lang nalaman. He's hot. Smoking hot.
"Uh, mag bihis ka na. Gagamutin pa kita." ngumiti ako sakanya, tumango naman ako siya saakin.
Ilang minuto din kami nag gamutan at dumeretso na kami sa bahay, pinagbuksan kami ng pinto ni manang, "Nasaan po sila?" tanong ko kay manang, "Andun na sila sa dining table, nag aantay sainyo." ngumiti naman ako at tumango. "Let's go."
"Oh, hi anak." tumayo si mommy sa kinauupuan niya at bumeso saakin, nag bless naman si Dino sakanya ganoon din kay daddy.
Pinaupo ko na si Dino, "So he's the guy." mom smiled at me, "Yes, mom."
"What's your name ijo?" tanong ni mommy kay Dino, "I'm Dino Buenavista po. Nice meeting you po."
Napatango tango naman si daddy, "So, Dino anong business niyo? nang pamilya niyo?" uminom si Dino nang tubig at nag salita, "Sa mga eroplano po, sir. Ayun po yung business nina mommy at daddy at ako naman po ay business management ang kukunin, sabay po kami ni Samantha mag aaral dito"
Tapos na ang usapan namin sa dining table, kaya naman lumabas kami at pumunta sa garden. Nag alok si daddy ng wine kay Dino at pinaunlakan naman niya 'to. "Thank you, sir." nag smirk si daddy, "Don't call me sir, just call me tito."
Habang nag uusap-usap naman sila biglang sumingit si kuya, "So kelan pa naging kayo ng kapatid ko?" tumingin muna siya saakin, "Uh, sinagot niya lang ako nung bago kami bumalik dito sa Pilipinas."
Pagkatapos namin mag usap-usap ay nakapag decide na si Dino na umuwi na, dahil 6pm na.
"Thank you po tita and tito." sabi niya sakanila, lumapit naman siya saakin at niyakap ako, "Thank you,babe."
"Ingat ka, babe." umiling naman si kuya, pero nangiti ang parents ko. m
Pinaharurot niya na ang sasakyan, pumasok na si kuya sa loob kaming tatlo na lang ang natira dito, "I think he's serious with you, anak." ngumiti naman ako kay mommy, "Yes mom, I know and I can really feel it. Kaya nga sinagot ko siya e because I know that he will never hurt me."
Bago pa ako mag drama dito ay inaya ko na silang pumasok, umakyat na ako sa kwarto ko at dumeretso sa banyo.
Nag babad ako sa bathtub, sobrang daming nangyari ngayong araw. Eto yung araw na unang nagkita kami after kong umalis. At hindi ko inexpect na sila pala ang models ko, hindi ko rin aakalain na hahalikan niya ako.
May feelings parin kaya siya para saakin? Damn it, Samantha. Huwag ka nang umasa. Dahil alam mo na naman ang sagot, hindi ka na niya mahal. Pinapaikot ka na lang niya. Pinagmumukhang tanga. Pinapaasa.
BINABASA MO ANG
STARTING OVER AGAIN
HumorBOOK TWO OF LALAKI SA EDSA. -- FIWMS 2: Starting Over Again // Book 2 of LALAKI SA EDSA by Shainajovell Here's the link of book 1: https://www.wattpad.com/story/10476669-lalaki-sa-edsa-currently-editing Thank you @chummyboo for the beautiful cover