Ikaw at ako, tayo-
ang salitang hindi mabubuo,
sapagkat mayroon lamang ay ikaw,
ang sa puso ko'y s'yang sinisigaw.At ako, na nasa isang sulok ng mundo,
sa tabi mo palagi mahal ko,
nakangiti at kasama mo
sa bawat hamon ng mundo.Ako na karamay mo
sa tuwing ika'y nasasaktan,
kasama mo sa bawat ngiti
na dulot nya sa iyong nga labi.Ako na palihim kang iniibig
habang kasama mo sa bawat saglit.
Ako na mananatiling kaibigan,
karamay at sandalan.Ako na mamahalin ka palagi,
pipiliin kahit hindi maaari,
iibigin ka ng palihim sinta,
hanggang sa puso ko'y sumuko ng kusa.Mananatiling ikaw kahit hindi ako,
mananatiling ikaw kahit hindi tayo.
Ikaw pa rin kahit hindi sa akin ang bawat halik,
ikaw pa rin kahit masakit.
BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoetryA random poetry compilation written by Scarlet Rain