Ikaw sa panaginip

2 0 0
                                    

hindi ko alam kung bakit
muli na naman kitang nakita sa panaginip
muli ay naroroon ka,
kasama kong ngumiti at tumawa
ang iyong mga mata'y kumikinang
punong-puno ng damdaming hindi ko mapangalanan
kung iyon ba ay pag-ibig na tunay
o isang bitag upang ako'y mapaikot sa iyong kamay
subalit ano pa nga ba't pilit kong binibigyang kahulugan
ang isa na namang panaginip kasama ka
kung ang lahat naman ay nasa nakaraan
nakabaon, nilimot nang alaala

-Scarlet Rain | Ikaw sa panaginip

Mga tula, luha at tinta ni UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon