Sana sa muling pag-inog ng mundo
matagpuan ako ng mga mata mo,
makita mong naririto lang ako
naghihintay sa pagbabalik mo.Nakaupo sa sulok
ng ating dating kanlungan,
naroon naghihintay
hanggang sa muli mong hawakan ang aking kamay.Subalit kung hindi man
kita muling masumpungan,
hindi matagpuan
sa ating minsanang kanlungan.Magiging masaya na lamang
sa bawat alaala ng ating nakaraan,
sasaya na sa katotohanang
kasama kita sa isang minsan.Babaunin ay dating pag-iibigan
hanggang sa dulo ng walang hanggan,
na sa isang minsan natagpuan
ang aking kanlungan.-Scarlet Rain | Kanlungan
BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoesíaA random poetry compilation written by Scarlet Rain