Luha ang tinta

1 2 0
                                    

Sa likod ng kaniyang magandang ngiti
ay ang pusong nagdadalamhati
sa likod ng makukulay at tagos sa pusong mga akda
ay isang malungkot, nagugulumihanan, nasasaktan, nagdurusang manunula

Ang bawat tinta ng kaniyang tula
ay ang mga salitang hindi maisatinig
mga bagay na sa puso ay nakatago, mga luha
na hindi maibuka ng bibig

Hindi madali ang mabuhay nang walang kinakapitan,
na walang masandalan sa sandaling pinanghihinaan,
na walang tanglaw sa dilim ng daan na tinatahak
subalit mas mahirap kung sa mismong tahanan ang luha'y hindi maipatak

O kay gandang isipin na ang bawat manunulat
sa buhay ay hindi man pinalad
nagagawa pa ring mabuhay, magpatuloy kahit mahirap
kasama ang mga akdang luha ang panulat

✍ Scarlet Rain| Luha ang tinta

Mga tula, luha at tinta ni UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon