Naalala ko pa ang huling beses kong nakisalamuha
sa isang lugar kung saan maraming tao ang nakapila
isa ako roon habang pilit na pinapakalma
ang pusong dumadagundong, nagwawala, nagmamakaawaPuso'y patuloy sa malakas na pagkabog
isipan ay natutuliro, nais nang lumubog
katawan ay nanginginig
kalamnan ay nangangatogAkala ko ay ayos na
hindi na dinadalaw ng mga bangungot sa aking pagtulog
subalit akala ko lang pala
pagkat hinahabol pa rin pala ako ng bangungot habang dilat ang mga mataNais kong lisanin ang lugar
nais kong mapag-isa
subalit kailangan kong tatagan ang loob
para hindi makapinsalaAng akala kong bangungot ng nakaraan
at ang sugat na dinulot nito ay naghilom na
subalit hindi pa rin pala
at palagi ko pang dala-dalaHindi ko akalaing ang masalimuot na karanasan
dala ko pa rin ang sugat hanggang sa kasalukuyan
tuluyan man itong maghilom pagdating ng panahon
subalit hindi ng pilat na dinulot ng kahapon✍ Scarlet Rain| Bangungot ng kahapon
BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoesíaA random poetry compilation written by Scarlet Rain