sa isang minsan
ikaw ay natagpuan
sa isang bahagi ng mundong
hinahalikan ng ulanang iyong mata'y sumasalamin
sa isang malungkot na tanawin
bagsak ang nga balikat
tila pasan ang mabigat na ulapsubalit pagkatapos ng ulan
isinuot mo ang maskara—
isang ngiting kaytamis
tinakpan ang lumambong na wangisisang pagpapanggap na ngiti,
ang ipinaskil sa iyong labi,
huwad, na kung hindi ko alam
ay aakalain kong tunayikaw na pilit inaabot ang mga bituin
kahit na natatakpan ng mga ulap
hinahampas ng malakas na hangin
inihulog sa dagatpilit nilalangoy
pilit ipinagpapatuloy
kahit hinihila ng kumunoy
kahit nangangapa sa paglangoypilit umaahon
patuloy na bumabangon
kahit isinisigaw ng mundong
pangarap ay sa limot ibaonpero kahit gaano katatag yaong kalooban
kapag puno na ng sugat at pasa ang katawan
pinuntirya ang iyong kahinaan
hindi mo na mawari kung kaya mo pang lumabansa isang labang pangarap mo ang medalyon
bagay na nais makamit pagdating ng panahon
subalit ang mundo at oras ay hindi umaayon
pangarap ba'y iiwanan nalang sa kahaponhindi mo mawari kung ano ang gagawin
kung titigil na o magpapatuloy pa rin
titigil ba at aabutin ang ibang kumikinang na tala
o magpapatuloy kahit hindi na makabangon sa pagkakadapapaano mo nga ba itutuloy ang laban
kung malinaw nang hindi iyon ang iyong kapalaran
kung inukit na ng tadhanang hindi para sa iyo ang nais mo
kung maging ang mundo ay ganoon ang sinisigaw sa'yohindi nga madali
pero heto ka at nagawa mo pang ngumiti
isang huwad at pagpapanggap
pilit itinatago ang luhang nais pumataksa isang sulok ng mundo
mata natin ay nagtagpo
sa harap ng salamin
naihayag ang nakakubling damdaminhuwag kang mag-alala
sa iyo'y walang huhusga
ikaw lamang mag-isa
at ako, ang iyong pangalawang persona-Scarlet Rain | Ikaw ay ako, ang iyong persona
BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoetryA random poetry compilation written by Scarlet Rain