Sa gitna ng dilim
naririto akong nananalangin
umuusal ng panalangin
sapagkat naguhulumihanan sa sariling damdaminkung ikaw nga ba ang s'yang tinatangi
tinitibok nitong puso at minimithi.
Ipagpaumanhin mo mahal kung wala pang kasiguraduhan
itong aking nararamdaman,subalit batid kong ikaw
ay ninanais na mahawakan
sa lilim ng liwanag ng buwan
mula ito sa kaibuturan ng aking puso at isipan.Ang patakan ka ng halik sa iyong mga labing marikit,
ako'y inaakit maging sa aking pagpikit
tila ba nanghahalinang aking matikman
habang dinadama ang init ng iyong katawan.Mahal kung sakali mang ika'y masumpungan
at ako ay sigurado na sa nararamdaman,
huwag mo sanang ipagtabuyan,
hayaan mong ibigin kita sa lilim ng kalawakan.
BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoetryA random poetry compilation written by Scarlet Rain