Muli ay nasumpungan
ang minahal sa isang minsan
hindi makapaniwalang nararamdaman
ang pamilyar na pintig nitong pusong sa iyo natagpuan.
Ang pag-ibig na mahigpit kong pinanghawakan
sa lilim makapal na ulap, sa lilim ng ulan.Bakit muli na namang nahagip ka ng mga mata?
Bakit kailangang makita pa kita?
Pagod na akong magbaka-sakali,
pagod nang umasa,
tapos na akong magpahid ng luha,
ayaw ko nang umulit pa.
Ayoko nang bumalik pa sa kahapong limot mo na.Pero bakit?
Bakit ang puso'y muling tumitibok sa tonong ikaw ang may likha?
Bakit bumabalik sa aking gunita ang mga alaalang inakala kong inanod na ng mga luha?Natatakot akong muli ko na namang matagpuan
ang sarili kong luhaan nang dahil sa pag-ibig na hindi mapanindigan.
Nakakatakot na muling magmahal sa taong minsan nang iniwan akong luhaan.
Ayaw ko nang makitang muli ang sariling nagsusulat ng tula na ikaw muli ang akda,
na ikaw sa simula, ikaw sa bawat linya, sa bawat pahina, ikaw ang mismong tinta.-Scarlet Rain | Muli
BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoetryA random poetry compilation written by Scarlet Rain