Ako'y pagod na

3 2 0
                                    

Nawawalan ako ng gana,
palagi akong inaantok,
palaging may galit,
hindi ko maintindihan.

Masyado bang malungkot
ang buhay ko para
gusto ko nalang mapag-isa,
iyong pag ako lang mag-isa saka ko ibubuhos ang luha?

Wala na akong maintindihan.
Hindi na sigurado sa nararamdaman.
Nakakatakot makaramdam
kasi baka naman akala ko lang.

Ayaw kong makasakit
kahit nilalamon ako ng pait,
ng lungkot at kawalan ng pag-asa
kahit na ako'y lumuluha.

Pahinga. Iyan nga ba?
Kapag ba ako'y nagpahinga
ay mapapawi ang pagod sa puso?
Maibabalik ba nito ang sigla sa buo kong pagkatao?

Sa bawat araw na nagdaan,
hindi ko na alam kung alin ang totohanan,
o lahat ba ay ilusyon lamang
na gawa ng aking isipan.

Tama na! Itigil mo na!
Pagod na itong pusong magdusa pa.
Ang pagod na hindi kayang pawiin ng pahinga,
na hindi rin naman kayang pawiin ng pagluha.

Mga tula, luha at tinta ni UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon