Nais kong lumipad patungo sa kalangitan
Damhin ang hangin sa kaparangan
Marating ang ulap
Sumabay sa mga ibong nag-aawitanNais kong maabot ang himpapawid
Makita ang mundo mula sa ibabaw
Nais kong magtungo sa langit
At doon ay dumungawNais kong languyin ang karagatan
Sisirin hanggang sa kailaliman
Pagmasdan ang buhay sa ilalim ng tubig
Pagsawain ang mata sa taglay nitong pang-akitNais kong maging paru-paro
Malayang lumilipad sa kaparangan
Masayang nakikipaghabulan sa mga bulaklak at damo
Mabighani sa sanghaya ng mga bulaklak sa gubat at kapataganNais kong maging isang bituin
Kumikinang sa gitna ng dilim
Matatanaw sa madilim na kalawakan
Kasama ang nakabibighaning buwanAng nais ko ay lumipad sa langit, marating ang alapaap
Subalit paano ba mararating ang ibabaw ng mga ulap
Paano pa ba lilipad taglay ang isang baling pakpak at ang kabila ay durog
Ang nais ko lang ay lumipad sa himpapawid hindi ang mahulogAng nais ko ay lumangoy sa dagat, makipaglaro sa mga alon
Hindi ang malunod at hindi na makaahon
Nais ko ay languyin ang karagatan
Hindi ang malunod sa luhang tila walang katapusanAng nais ko ay maging paru-paro na malayang naglalaro sa parang
Hindi ang mabagsakan ng malakas na ulan
Ang nais ko ay maging makinang na bituin sa kalangitan
Hindi ang mabalot ng kadiliman.-Scarlet Rain | Hiling

BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoesíaA random poetry compilation written by Scarlet Rain