Kung sakali

0 1 0
                                    

Kung sakali bang hindi ko ipinaalam
itong nararamdaman
hindi ka rin ba mamamaalam?

Kung sakali bang inilihim ko nalang
iyong pagtingin ko sa iyo
wala bang magbabago?

Hindi ka ba lalayo kung sakaling
hindi mo alam ang aking pagsinta?
Kung sakali kaya mahal, naririto ka pa?

Makikita pa rin kaya kitang
nagsusulat ng iyong mga akda
patungkol sa iyong sawing pagsinta?

Hindi mo kaya lilisanin
ang pekeng mundo
kung saan tayong dalawa ay nagkakilala?

Malamang wala ring magbabago
inibig man kita o hindi
ay iiwanan mo pa rin ang pekeng mundo.

Kasi una sa lahat hindi naman ako
kasali sa mundong binuo mo.
Isa lang akong estrangherong nahulog sayo.

✍Scarlet Rain| Kung sakali

Mga tula, luha at tinta ni UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon