Paglimot

1 1 0
                                    

Paano ko ba tatapusin ang isang bagay na hindi naman nagkaroon ng simula?
Paano ako uusad sa lugar na wala ka, kung simula palang ay hindi na kita kasama?
Masakit mang isipin, subalit sa simula pa lang, ikaw ay isang pantasya,
kailanman hindi mahahawakan iyong kamay, hindi madadama.

Hindi naiukit sa aking tadhana ang masumpungan ka sa dulo nitong paglalakbay,
o ang landas natin ay magtagpo, nakadaupang-palad man lang,
hindi naitala sa aklat na magkahawak ating kamay habang tibok ng puso natin ay magkaugnay,
dahil simula pa lang hindi tayo pinagtagpo, sapagkat huwad ang ating mundong ginagalawan.

-Scarlet Rain | Paglimot

Mga tula, luha at tinta ni UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon