Mga mata'y nakapikit,
labi ay nakaukit
sa isang ngiting kaakit-akit.Nakaupo sa may batuhan-
dinadama ang bawat halik
at haplos ni amihan.Habang ang mga paa'y nakalublob sa tubig,
hinahayaang tangayin ng hanging umiibig,
ang malamyos n'yang tinig.Kasabay ng bawat bugso ng tubig mula sa talon,
ang pagtangay ng buhok n'yang mahaba at umaalon,
o kay sarap pagmasdan ng diyosang nililok ng aking imahinasyon.
BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoetryA random poetry compilation written by Scarlet Rain