sa bawat pagbuhos ng ulan
unti-unting tinatangay itong nararamdaman
hanggang sa tuluyan na itong mawala
at manatili na lamang na magandang alaalakasabay ng bawat pag-agos ng tubig-ulan sa kung saan ito umabot
unti-unting pinapawi ang pait at hapdi na sa pag-ibig mo nasambot
dahil katulad ng ulan na dumating ng hindi ko inaasahan
darating din sa puntong tuluyan mong nilisanang bawat alaalang inukit mo sa ulanan
ay unti-unting naglaho sa paglipas ng panahon
kagaya ng mga pangakong inukit natin sa buhangin ng dalampasigan
unti-unting nabubura sa bawat haplos ng mga alon-Scarlet Rain | Mga alaala sa ulanan
![](https://img.wattpad.com/cover/305545868-288-k600988.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoetryA random poetry compilation written by Scarlet Rain