"Everything happens for a reason."
"Your pain has a purpose"Lahat ng bagay may dahilan, at iyong sakit na nararamdaman ay may dahilan, may patutunguhan. Pero hanggang saan ba? Saan ba ang dulo nitong paghihirap? Nasaan na nga ba ang hangganan nitong kalungkutan, kasawian, pagdurusa? Nasa dakong unahan pa ba?
Alam ko, at naiintindihan ko ang ibig sabihin ng mga linyang iyon, pero hanggang kailan ba ako magdurusa, hanggang kailan ko papahiran ang mga luhang tila wala nang hangganan? Ang mga luhang walang sawang bumubuhos mula sa aking mga mata.
Kung ang lahat ng paghihirap, ng pasakit ay may dahilan, di yata't sobra na? Kalabisan bang ituturing kung nanaisin ko namang maging masaya, nanaisin kong ngumiti nang walang nararamdamang hapdi, walang nalalasahang pait at pighati?
-Scarlet Rain | [untitled]
BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoetryA random poetry compilation written by Scarlet Rain