Hindi ko na maintindihan
Isipan ay nagugulumihanan
Hindi ko mabatid kung ako ba'y kikilos
O magpapatangay na lamang sa agosPuso't isipa'y nalilito, nagtatalo
Kung tama bang susungkitin ko
Ang isang makinang na bituin
Sa kabila ng mga pawis at dugo sa dilimMga paa'y nasasadlak sa putikan
Isipan ay naguguluhan
Tinitimbang ang gagawing hakbang
Nagdadalawang-isip kung aakyat o huwag na langMaari bang ako'y piringan?
Nang sa gayon ay hindi ko makitang nahihirapan
Ang aking mga magulang
Para sa kinabukasan na dugo at pawis ang puhunan-Scarlet Rain | Naguguluhang isipan
BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoetryA random poetry compilation written by Scarlet Rain