Sa lilim ng ulan, sa lilim ng tala

0 0 0
                                    

Habang tumatagal, ayoko na ring maglabas ng hinaing gamit ang tula.
Pagod na akong magmukhang pagod sa harap ng madla.
Pagod na akong maging mahina.
Gusto ko nalang gawin ay maging manhid sa lahat,
kalimutan na may mga sugat pang hindi naghihilom, na may mga pasang pilit ikinukubli,
pagod na rin itong pusong humiyaw sa mundong bingi.
Ayaw ko nang magsulat pa ng tula
kung ang luha ko ang siyang tinta
pero heto ako ngayon muling  nagsusulat ng panibagong pahina
laman ay paghihinagpis ng babae sa lilim ng ulan, sa lilim ng mga tala.

-Scarlet Rain | sa lilim ng ulan, sa lilim ng tala

Mga tula, luha at tinta ni UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon