Sa lilim ng ulan

1 2 0
                                    

ang patak ng ulang naging saksi
sa mga damdaminh pilit iwinawaksi
mula sa pusong sa iyo'y tumitibok

sa isang minsan, sa pahina ng ating nakaraan
tayong dalawa'y magkasama, magkayakap sa ulanan
sumasalamin ang ngiting nakapaskil sa labi sa mga matang kumikinang

kay sarap pagmasdan ng ating minsan
na muli ko lamang masisilayan sa mga alaala
kasabay ng pagbuhos ng ulan na minsang naging musika

nakakatuwang hindi pa rin pala naglaho
sa aking puso ang mga alaalang nabuo
sa lilim ng ulang naging saksi ng ating pag-ibig at pagkabigo

-Scarlet Rain | Sa lilim ng ulan

Mga tula, luha at tinta ni UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon