kung sakali bang
aayon muli sa atin ang tadhana
maaari bang ako'y katagpuin
sa lilim ng mga tala
doon sa lugar kung saan
tayong dalawa ay nagsumpaan
ng ating pagmamahalan,
ang mga tala at buwan
ang siyang saksi sa mga pangakong binitawan
pag-ibig na dahilan
ng pusong nasugatankung sakali mang muling magtagpo
ang ating landas mahal ko
maaari bang muli ay hawakan
aking kamay at hagkan
patunay na ikaw ay nagbalik
at hindi na muling lilisankung muli ikaw ay masumpungan
sa dulo nitong tinatahak na daan
maaari bang ibigkis mong muli
ang gapos na sa atin ay nakatali
gawing mahigpit nang sa gayon
ay hindi na matangay ng malakas na alon
nitong tadhana na sa atin ay hindi sang-ayonat kung sakali mang sa dulo
ay tayong dalawa pa rin
tayo'y muling magkakatagpo
huwag ka nang muling lumayo
huwag mo na ulit akong iwanan
dahil baka sa muling pagkakataon
ay hindi ko na makayanan
at tuluyan na akong ilayo ng mga alon-Scarlet Rain | kung sakali
BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoetryA random poetry compilation written by Scarlet Rain