Siguro nga

1 1 0
                                    

Siguro nga hindi para sa akin ang daang tinatahak ko
Siguro ay nalito ako nang pumili ako ng daan
Siguro nga ay naliligaw ako, napadpad sa isang lugar na hindi ako nararapat
Baka ay mali talaga ang daang tinunton ng nga paa ko sa simula palang

Ang daming katanungan na ngayon ay lumulutang sa aking isipan
Bakit nga ba hindi ko makuhang maging masaya?
Siguro ay dahil hindi nararapat manatili ang isang paru-paro sa teritoryo ng mga mababangis na hayop

-Scarlet Rain | Siguro nga

Mga tula, luha at tinta ni UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon