Ano nga ba ang isang bangungot?
Ang magkaroon ng isang masamang panaginip?
Iyon bang hinahabol ka ng kung anong nilalang na hindi mo magawang pangalanan?
Iyon bang hirap na hirap kang takasan kahit gaano mo naising takbuhan?Ano nga ba ang totoong bangungot?
Iyon bang masamang pangyayari sa ating panaginip habang tayo'y tulog?
O iyong mga masasamang karanasan natin habang nakamulat ang ating mga mata?
Iyong mga eksenang nanaisin mong makalimutan–mabura sa isip at diwa?Alin nga ba sa dalawa ang totoong bangungot?
Kung bangungot mang ituring ang isang masamang panaginip
o ang isang mapait na karanasan ay hindi ko batid
sapagkat pawang magdudulot lamang iyon ng pagkahindik.Alin nga ba sa dalawa?
Iyon bang masamang panaginip na sa pagkamulat ng iyong mata ay makalimutan ng isipan?
O iyon bang totoong naganap, totoong karanasan na binalot ng lungkot, pighati at pagluha?
Iyon bang masamang karanasan na hihilingin, nanaisin na sana ay laman lamang ng isang masamang pagka-idlip at makakalimutan sa pagmulat kinabukasan?Kung alin man sa dalawa ay hindi ko batid
hindi na ito maarok pa ng aking isip.
Nais ko na lamang na matulong nang mahimbing
at maiwaglit sa isipan ang nag-uumapaw na masasakit na damdamin.
BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoetryA random poetry compilation written by Scarlet Rain