Iyak ng Inang Kalikasan

0 0 0
                                    

Kailan nga ba titigil sa pagsira ng kalikasan ang mga tao?
Kapag nag-umpisa na bang magunaw  ang mundo?
Kapag sunod-sunod na humagupit ang inang kalikasan?
Pagbabayarin ang lahat ng dahilan kung bakit siya sugatan?

Kailan ba matututong pahalagahan ang kapaligiran?
Kapag paulit-ulit bang gumanti ang mundo?
Ilang pagbaha o pagguho ng lupa pa ba ang kailangan?
O gaano kainit ba ng temperatura ang kailangan para matuto?

Kung gagawa ang tao ng hakbang para maiwasan
ang tuluyang pagkasira ng kalikasan.
Bakit hindi na ngayon simulan ng mga tao?
Nang sa gayon ay unti-unting maghilom ang sugat ng mundo.

Hihintayin pa ba nating lumala pa ang mga unos,
kung saan marami ang mga naulilang lubos?
Kung saan maraming inosenteng buhay ang nawala?
Maraming tirahan ang nasira?

Hindi lang tao ang nagdurusa,
maging ang inosenteng nilalang nagluluksa,
nagbabayad sa kasalanang hindi sila ang may gawa.
Tao, o tao, huwag sana nating hayaan na kalikasan ay paulit-ulit na lumuha.

-Scarlet Rain | Iyak ng Inang Kalikasan

Mga tula, luha at tinta ni UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon