Sana sa bawat pighati at sakit
ngiti ang kapalit
sana susunod nating buhay
mundo natin ay mag-ugnay
sana tamang panahon
sa tamang pagkakataon
aayon sa atin ang tadhana
papawiin ang pighati at pangungulila
dulot ng pagkawalay
dulot ng naglahong tulay
ng ating mga pusong
ang tibok ay iisa
sana sa susunod nating buhay
tama na ang panahon
na hindi na kailangan pa ng tulay
o bumalik sa ibang panahon
sana sa pag-ikot ng orasan ng kahapon
ay mag-ugnay na ang ating kinabukasan
hihintayin kita sa panahong iyon
sa dako kung saan kita natagpuan.✍ Scarlet Rain | Hiling ng mga pusong nagtatangis
BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoesiaA random poetry compilation written by Scarlet Rain