Ngayo'y naririto
isipan ay nalilito
kung ang minsang tahanan
ay muli ko bang babalikan
huhukayin mula sa nakaraan
o pananatilihin sa kahapon?
Hahayaan bang muli ay masugatan
o pipiliin ang tuluyang paghilom?
Alin man doon ay hindi ko batid
hindi pa yata nadala sa mga luhang napahid
subalit alam kong hindi na dapat pa
ako muling madala
sa bawat pagkislap ng iyong mga mata
at sa mga halakhak mong tila musika.
Magagawa ko kayang hindi mahulog
sa bitag ng pag-ibig mong huwad?
O muli na naman akong mahuhulog
at luluha sa pagbigkas mo ng patawad?
Patawad sapagkat muli kang lilisan
at puso'y iiwang durog at luhaan.-Scarlet Rain | Pagkalito
BINABASA MO ANG
Mga tula, luha at tinta ni Ulan
PoezieA random poetry compilation written by Scarlet Rain