Enjoy reading, Sweeties:)
Bernadette
"Hoy para kang unggoy d'yan!" malakas na sabi ni Brent sa akin kaya naman halos mapatalon ako sa gulat.
Useless ang pagtatago ko, natatakot kasi na baka nasa labas ng bahay si Lance.
I said a lot of bad things about him because of what he did, but when I saw him last night. Why is that? Why is it that no matter how much he hurt me, my heart still beats for him?
I didn't like the reaction of my heart. Because after I saw him again, the pain in my chest that I was trying to hide slowly coming back that causing more damage.
"Brent, ano ba?!" inis na sabi ko sa kapatid ko nang makita ko siyang nakauniform na rin at halatang papasok na sa eskwelahan.
"Bakit ka ba nagtatago? Sino bang tinataguan mo d'yan? 'Yong pinag-utangan natin ng imbutido, tinataguan mo?" tanong pa niya dahilan kung bakit napairap ako.
"Hindi ah," inis na sabi ko at wala nang nagawa kundi ang lumabas na ng tuluyan sa gate.
"Sus, hayaan mo ate kapag ako grumaduate, bilhan kita isang sakong imbutido," tumatawang sabi niya kaya naman mahina ko siyang sinuntok sa balikat niya dahilan kung bakit bigla siyang napahawak doon matapos kong suntukin.
Natutuwa naman ako lalo't unti-unti nang nagiging maayos ang mga kapatid ko.
Kahit papaano ay humahakbang na sila paabante mula sa pagkakadapa simula nang iwan kami ni Mama.
Si Papa na lang ang problema ko.
"Nananakit ka na naman, ang bigat-bigat ng kamay mo e," tila nasasaktan niyang sabi kaya naman napailing ako sa kaartehan niya.
"Tantanan mo nga ako, oa mo naman. Ang hina-hina ng pagsuntok ko," sabi ko sa kan'ya kaya naman napairap na lang siya.
Naglalakad na kami papalabas sa village lalo't doon din naman ang paradahan ng tricycle. Nauna na yata si Jiji na pumasok lalo't kailangan niya raw makipagpractice muna.
"Ate, kaibigan mo naman si Kuya Xandro 'di ba?" tanong ni Brent kaya naman biglang pumangit ang mukha ko dahil sa binanggit na pangalan ng kapatid ko.
"Oh bakit?" tanong ko na lang.
Akala ko talaga mapakasipag magtrabaho ni Xandro. Mukhang base sa edad ni Xandro ay talagang kalakasan niyang maging galang CEO. Sarap butasin ang bunbunan e.
"Pasabi naman kung pwede magpaturo mag-drive, ang ganda ng sports car niya e. Kating-kati na nga pwet kong umupo doon e," sabi ng kapatid ko kaya naman malakas akong tumawa.
"Ang kapal naman ng mukha mo," pambabara ko sa kan'ya kaya naman napanguso siya.
Magsasalita palang sana siya nang bigla na lang may humintong sasakyan sa gilid namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso nang makita ko ang sasakyan ni Lance.
Hinawakan ko sa braso si Brent at pinamadali kong maglakad dahil huminto nga ang kotse ni Lance.
"Luh! Bakit ba?!" natatarantang tanong ni Brent sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/280094084-288-k455144.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."