Chapter 30

2.7K 87 53
                                    


Enjoy reading, Sweeties

Bernadette

Nauunawaan ko na... tanggap na tanggap ko na rin. Lapitin talaga ako ng mga problema na hindi ko alam kung paano ko mareresulba.

"Angel... papasok ako," mahinang sabi ni Xandro. Dumeretsyo kami sa condo nila ni Xandro nang malaman namin na buntis ako.

Loading pa ang utak ko kanina at ayaw tanggapin ang katotohanang nagkaroon ng karga ang kataksilan namin ni Xandro.

Bigla na lang kasing lumabas si Angel noong sinabi ng doctor ang tungkol sa pagbubuntis ko. Maging ako rin naman nagulat dahil sa halos mag-aapat na linggong lumapas nang may mangyari sa 'min ni Xandro at wala namang senyales na kahit na ano sa 'kin.

Hindi naman ako nagkaroon ng morning sickness. Wala talaga akong sign na napansin maliban sa delayed ako pero hindi naman ako regular na nagkakaroon ng menstruation kaya pinagsawalang bahala ko lang 'yon.

Dalawang oras na ang nakakalipas at kinabahan na kami ni Xandro dahil wala na kaming naririnig na nagbabagsakang gamit mula sa kwarto nilang dalawa.

Nagwala kasi si Angel at nag-aalala kami.

Pipihitin na sana ni Xandro ang doorknob nang hawakan ko ang kamay niyang nakahawak doon.

"A-ako na... susubukan ko siyang pakiusapan," mahinang sabi ko kaya tinitigan ako ni Xandro.

"Are you sure?" he asked.

Halata ang pag-aalala sa mga mata ni Xandro kaya naman pilit akong ngumiti.

"H-hindi ko alam kung ano'ng trip ng tadhana at pinunta tayong tatlo sa sitwasyong 'to. To be honest... gusto kong isisi sa 'yo ang lahat ng mga nangyayari pero nagkamali rin kasi ako. Tama ka, nang nasa kalagitnaan tayo no'ng gabing 'yon. Parehas na nating nakilala ang isa't isa pero hiyaan ko pa rin na may mangyari ng ilang beses," mahinang sabi ko at pinisil ang malaking kamay niya.

"Bernadette..."

"Let's not invalidate her feelings... karapatan niyang masaktan ng ganito. Sa ating tatlo ngayon? Si Angel ang dehado rito. Para siyang naipit between sa lalaking mahal niya at sa babaeng pinagkatiwalaan niya," mahinang sabi ko.

Umiwas ng tingin sa 'kin si Xandro bago dahan-dahan na inilayo ang kamay niya sa akin.

"How about you? Nor should you invalidate the pain you are feeling right now. You are also stuck in the middle."

Umiling ako sa sinabi ni Xandro. "Hindi ko alam kung ano'ng magiging plano ko sa bata pero... a-anak mo 'to e. Tang-ina kasi paano? Gaano 'yon kasakit sa parte ni A-Angel."

Naging masagana na ang mga luha na nagbabagsakan mula sa mga mata ko. Nang lumayo sa 'kin si Xandro ay unti-unti kong pinapakalma ang sarili ko bago ako tuluyang pumasok sa kwarto nila ni Angel.

"A-Angel," mahinang tawag ko sa kan'ya.

Halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung gaano kagulo sa loob ng kwarto nila ni Xandro. Maraming basag na frame at bases. Pati ang TV nila rito sa kwarto ay basag din at nasa sahig na. Ang mga unan at comforter ay nagkalay na rin sa sahig.

Mukhang binagyo ang loob ng kwarto nila ni Xandro.

I covered my mouth with my left palm when I saw Angel in a corner of the room bent over and obviously crying.

Ilang segundo pa ay napagpasyahan kong lumapit upang kausapin siya. Kailangan na kailangan kasi namin 'yon.

Umupo ako sa tabi ni Angel at tuluyan kong nakita na dumudugo ang mga kamay niya. Halatang may pinagsusuntok siyang matigas na bagay.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon