Chapter 7

4.1K 90 19
                                    

Enjoy Reading😊

Bernadette POV

Nagmamadali akong pumasok sa opisina at sa cubicle ko kung saan ako department under. Kasi naman nanood ako ng k-drama hanggang sumapit ang alas tres ng madaling araw.

Hindi ko naman kasi akalain na aabot sa gano'n. Magdamag akong nakangiti at halos kayang pakainin ang buong tao sa village namin dahil sa dami ng kinain ko.

Deserve ko namang kumain. Naalala ko pa mas pinasarap ang bread na kinuha ko kay Mr. Breadman na pinagkamalan akong pulubi.

Tang-ina ba naman niya, kung hindi lang siya gwapo at mabango ay talagang naihampas ko sa kanya bilbil ko. Nagkakaroon na ako ng laman-laman dahil sa lakas kong kumain.

Napabuntong hininga na lang ako bago ako nag-time in. Wala na akong magagawa, late na talaga ako. Bawas na naman sa sahod ko. Papalibre na lang ako ng lunch kay Kassidy mamaya.

Para naman hindi ako gagastos. Mindset ba, mindset.

Ginawa ko lang ang palagi kong ginagawa kapag nandito ako sa opisina. Panay paper works na naman ang nakapatong sa mesa ko. What if saksakin ko may-ari? Kalakas ng loob mag-expand ng business pero mag-expand ng sahod katagal.

Wala nang gamot si Papa kaya naman nagsisi akong ngumata nang ngumata ng pagkain kaninang madaling araw habang nanonood.

Kailangan ko rin mag-abot ng pera kay Uncle Caston lalo't siya ang nag-aalaga kay Papa ng madalas lalo't parehas naman kaming tatlong magkakapatid na wala sa bahay.

Hindi naman pwede na libre na lang lahat.

Ako lang ang naghahanap buhay sa amin kaya dapat hindi ako magastos.

Naisipan ko na rin na galawin ang credit card ni Lance since pinagkatiwala naman niya ito sa akin. Ililista ko na lang ang mga nailabas ko lalo't kada labas naman ay may resibo kaya 'yon na lang ang iaabot ko kay Lance na siyang babayaran ko.

Hanggang ngayon wala pa rin ngang paramdam ang damuho na 'yon. Hindi ko alam kung hanggang kailangan niya balak na magtago sa akin.

Hindi ko namamalayan ang oras dahil ganito naman lagi kapag nakatutok lang ako sa trabaho. Paminsan-minsan nga ay kumakain ako ng tinapay ng bigay ni Me. Breadman kapag walang nakatingin.

Hindi ko talaga inubos kagabi at talagang dinadama ko ang sarap.

Iba kapag galing talaga sa mga biyaya ni Lord.

Kung pwede lang ay ipapa-frame ko pa ang tinapay.

Ubusin ko na lang para may pakinabang naman. Bayad sa pang-iinsulto niya sa akin.

"Bernadette," tawag sa akin ni Kassidy.

Alam ko na agad na break time na namin kaya naman napatingin ako kay Kassidy.

Kaso nagtaka ako dahil hindi maipinta ang mukha niya at tila may gustong sabihin sa akin.

"Ang pangit mo naman ngayong araw," tumatawang sabi ko kay Kassidy.

Napag-isip-isip ko rin habang naghihilod ako kanina sa banyo namin na hindi ko dapat masyadong iniisip si Lance. I mean oo nga't nag-aalala ako pero napapabayaan ko naman ang sarili ko.

Kailangan ko lang talagang magtiwala at hintayin ang pagbabalik niya. Kilala ko si Lance, hindi 'yon gagawa ng kahit na ano mang ikakasama o magiging dahilan kung bakit ako masasaktan.

"Ano... ahm... may balita ka na ba kay Lance?" tanong sa akin ni Kass kaya naman nagtaka ako pero nang isipin na baka gusto niya lang makibalita at umiling agad ako.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon