Enjoy reading, Sweeties
Bernadette
I don't know if I can say that Xandro and I have been together well for the past month. Basta ang alam ko lang ay napaka kalmado ng buhay ko sa nakalipas na buwan. Normal na sekretarya niya ako sa umaga at ina ng anak niya sa gabi. Ang ibig kong sabihin ay sabay kaming uuwi at ako naman ang pagsisilbihan niya sa gabi.
Hindi ko alam na marunong siyang magluto at masarap 'yon. Napapalakas din ang pagkain ko lalo't masarap ang mga niluluto ni Xandro.
Si Xandro rin ang naging susi kaya hindi nabigyan ng pagkakataon si Lance na kausapin ako.
Si Xandro ang dahilan kung bakit nakalabas na ng hospital si Jiji at walang palyang umiinom ng mga gamot niya at nag-te-therapy dahil kailangan niya 'yon dahil hindi siya makalakad ng maayos.
Hindi ko na alam kung paano ako makakabayad kay Xandro. Baon na baon na ako sa utang.
"Dette! You haven't finished dressing yet?" may kalakasang tanong sa 'kin ni Xandro.
Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at tinitigan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Hindi ko kasi masara ang zipper ng skirt ko. Mahigpit na rin ang blouse ko. Lumolobo na talaga ako.
Hindi naman pansinin ang t'yan ko. Wala pa ngang umbok kung tutuusin, subalit napansin ko na ang paglobo ng katawan ko.
Halos maluha ako nang subukan ko ulit isara ang zipper.
Sakto namang bumukas ang pinto ng walk-in closet sa kwarto kung sana ako namamalagi sa bahay ni Xandro.
Tumingin ako sa mga mata ni Xandro at hindi ko mapigilan na maiyak. "Ang taba ko na."
Nakita ko ang gulat sa gwapong mukha ni Xandro dahil siguro mukha akong 'di presentable sa harapan niya. Kung tutuusin ay late na kami sa trabaho.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago lumapit sa akin.
"What are you talking about?" he suddenly asked.
"Mukha akong lobo na puno ng hangin. Sobrang pangit ko na," mahinang sabi ko at muling tumingin sa human size mirror. Bigla akong kinapos ng hininga ko nang makita kong nasa likod ko na siya at seryosong nakatingin sa akin sa salamin.
Iiwas sana ako ng tingin mula sa harapan ng salamin nang hinawakan ni Xandro ang balikat ko.
Libo-libo na namang kuryente ang dumaloy sa katawan ko na mukhang dumeretsyo sa puso ko dahil naging abnormal na naman ang pagtibok nito.
Nitong mga nakaraang mga linggo ay tila tinanggap na lang ng katawan ko ang epekto ni Xandro sa akin. Nasasanay na ako sa parating pagiging abnormal ng tibok ng puso ko at sa kuryenteng tila normal nang dumadaloy sa katawan ko oras na nadikit ang mga balat ni Xandro sa akin.
Buti na lang talaga ay hindi kami nagsasama sa iisang kama.
"Saan?" tanong niya.
"Saan 'yong?" mahinang tanong ko.
"Saan d'yan ang pangit? You are still beautiful, Dette."
Pasimple akong humawak sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Nakatingin kami sa isa't isa mula sa salamin sa harapan namin. Ramdam ko ang nagwawalang mga paru-paro sa t'yan ko na para bang gusto nilang kumawala sa kaloob-looban ko.
"X-Xandro," I whispered.
"Hindi na kasya ang skirt mo? Gusto ko bang lumabas na muna tayo para mag-shopping? Gusto ko bang maghanap ako ng iba mong isusuot?" buo ng suyo niyang tanong sa akin at halos bumigay ang mga tuhod ko nang makita kong yumuko siya upang maipatong ang baba niya sa kanang balikat ko.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."
