Chapter 3

5.1K 102 6
                                    

Grabe kayo! Thank you so much for 2,700+ Followers. I love you Sweeties.🤍✨

Stay safe and...

Enjoy Reading:)

Bernadette's POV

Kanina pa ako pabaling-baling sa kama ko, wala akong posisyon na nagiging komportable ako. Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko ngayon.

"Ang sakit ng pisngi ko talaga," mahinang sabi ko dahil totoo naman talagang masakit ang pisngi ko. Parang gusto kong maiyak na hindi.

Kapag nagkataon lang talagang hindi 'yon Mama ni Lance ay makakatikim 'yon sa akin. I really don't want to be hurt, especially physically. Siguro 'yong iba nagiging manhid na lang sa sakit kapag nakakaramdam sila no'n pero hindi ako.

Kaya pisikalan naman ay kaya kong manakit.

Isa pang gumugulo sa isipan ko ay hanggang ngayon hindi man lang ako tinawagan ni Lance o kaya text man lang kaya hindi ko alam kung ano ang nangyayari matapos nilang umuwi ng Mama niya.

"Aawayin ko talaga ang lalaking 'yon kapag sumundo sa akin bukas," mahinang sabi ko at ipipikit na sana ang mga mata ko para piliting makatulong nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.

Napangiti naman ako bigla.

"Tatawag din pala pinaghintay pa ako ng bobo, buti na lang mahal ko siya," mahinang sabi ko bagp ko kunin ang cellphone ko kaso nakita ko naman ang pangalan ni Angel.

Kahit na masama ang loob dahil hindi si Lance ang tumawag ay napawi agad dahil ang kaibigan ko naman na nasa ibang bansa ngayon ang tumatawag sa akin.

Kamusta na kaya siya?

"Berny, how are you?" masiglang bungad agad ni Angel sa akin.

"I'm - you know... very good... yes!" nahihirapan na mag-english na biro ko.

Nasa New york kasi ito sa parte ng Northestern United State. Amoy na amoy na imported ang Lola mo.

"Parang sira," naninibago sa tagalog na sabi niya kaya napangiti naman ako. Naging magkaibigan kami ni Angel noong niligtas ko siya sa magnanakaw noon. Mahinhin pa naman ang gaga ayon kinaibigan na ako.

Swerte ko nga rito dahil imported from different planets ang nililibre niya sa akin noon. Dahil nga manggagamit akong dakila syempre ayon sayang-saya ako. Pero hindi ko akalain na lalalim ng ganito ang pagsasama naming dalawa.

"Hoy pati hininga amoy New york, 'te. Lumabas sa cellphone ko. Pabato ng chocolate," tumatawang sabi ko kaya narinig ko naman ang malakas niyang tawa.

"In the years that have passed; you still haven't changed," she said softly.

"Ikaw rin hindi pa nagbago. Inglesera ka pa rin ng taon," mahinang sabi ko pero nagagalak ng sobra ang puso ko.

Sa tagal na simula ng huli ko siyang nakita sigurado akong mas gumanda siya. Nag-glow na naman siya ng malala. Siguradong nakamit na niya ang pangarap niya. Madali na lang 'yon para kay Angel lalo't sagana siya sa datong.

"Nga pala bakit ka napatawag? Kukunin mo na ako d'yan?" tanong ko sa kanya.

"I just want to tell a story about my love life, I guess . Berny do you like to visit here? Do you want me to help you take care of the papers? Sama mo na rin sila Tita? Kamusta na si Tita?" tanong sa akin ni Angel kaya naman natigilan ako.

Hindi pa pala niya alam na wala si Mama rito.

"Ahm ano? May bago ka na namang love life?" tanong ko dahil nga naka-follow naman ako sa ba't-ibang social media accounts niya kaya nakikita ko rin naman ang mga post niya.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon