Chapter 37

2.1K 46 26
                                    

Enjoy reading, Sweeties

Bernadette

Kagat-kagat ko ang kanang hinliliit ko habang nakasilip sa bahay ng kapitbahay namin. Ewan ko, basta ang gusto ko lang talaga ay kumain ng kamias kahit pa ba madaling araw na.

"Seryoso ka bang magnanakaw ako ng kamias?" tanong ni Xandro sa tabi kaya naman masama akong napatingin sa kan'ya.

Alam kong pagod siya gawing trabaho pero gustong-gusto ko talaga ng kamias. Paniguradong mas sasarap pa ang kamias lalo pa't si Xandro ang mamimitas no'n para sa akin.

"E gusto ko ng kamias e!" sagot ko naman habang nakakunot ang noo ko.

"Bernadette, alas kwatro na ng madaling araw. Tulog pa ang mga tao, dapat nga nagpapahinga ka rin e. Umuwi na tayo, ihahanap na lang kita sa palengke mamaya," sabi niya sa akin at sinubukang hawakan ang kaliwang kamay ko kaso winaksi ko ang braso niya kaya naman nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa gwapong mukha ni Xandro. Naging malambing 'yon na tila ba ayaw niyang mag-away kami. "Babe, come on. You need to rest. Kailangan niyo 'yon ni baby. Umuwi na tayo, Dette. Hindi pa gising ang may-ari ng kamias na nais mo."

"Kaya nga magnanakaw ka e," madiin kong saad. Kunwari ay hindi ako nadadala sa malambing niyang pagkakausap sa 'kin.

Nakita kong napasabunot sa buhok niya sa Xandro na halatang kanina pa nagtitimpi sa akin kaya naman napabusangot ako. Parang napigtas ang pagtitimpi ni Xandro sa akin.

"Hindi pwede, Dette. Nakikita mo bang ang daming aso? Kapag kukuha ako ng hindi nagpapaalam, siguradong tatahulan ako ng mga aso ng kapitbahay niyo. Saka kita mo namang may butas ang gate nila kaya siguradong makakalabas ang mga aso at hahabulin ako kapag magpupumilit akong kumuha ng kamias," paliwanag niya sa akin pero umiling ako.

"E ayaw ko nga na magpapaalam ka. Gusto ko nang nakaw na kamias!" matigas na ani ko.

"Babe, how about this? Later when you wake up. I've already bought your kamias that you want or I'll just beg from your neighbor instead of stealing it," he stated.

Agad akong umiling.

"Nope... magnanakaw ka," pagmamatigas kk kaya nakita kong bagsak ang balikan na umiwas ng tingin sa 'kin si Xandro na tila ba tinatanggap na niyang talo siya.

Ngumiti na lang ako at kumilos upang ilapit ang mukha ko kay Xandro. Nais ko sana siyang halikan lang sa pisngi upang lambingin na kumuha na ng kamias ko nang humarap siya sa akin dahilan kung bakit naglapat ang mga labi naming dalawa.

Malalaki ang mga matang humiwalay ako kay Xandro at nakita ko ang gulat sa gwapo niyang mukha. Ilang sandali lang ay sumilay ang ngiti sa mga labi niya at tila nahihiyang umiwas ng tingin sa akin.

Napalunok naman ako bago nagsalita, "Hindi ko 'yon sinasadya."

"Kung gusto mo 'kong halikan, sabihin lang. Hindi 'yong nanakawan mo ako ng halik," mahinang aniya dahilan kung bakit nais ko na lang na magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyang ginawa ko.

Oo nga't paunti-unti kong tinatanggap ang kung anong relasyon na meron kami ni Xandro subalit naiilang pa rin akong i-express ang nararamdaman ko sa kan'ya.

Kumikilos ako na parang hindi ko pa rin sinusuko ang bataan kahit pa ba ilang beses na naming ginawa ang bagay na 'yon.

"Sa pisngi kita hahalikan... bakit kasi lumingon ka?!" namumulang ani ko.

"Gusto mo pa rin akong hali---"

"La la la la la!" malakas na putol ko sa nais niyang sabihin. Sobra akong nahihiya at hindi ko kayang asarin ako ni Xandro.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon