Enjoy reading, Sweeties
Bernadette
"Ang landi-landi mo, Bernadette!" sigaw ko habang kinakarate ang unan ko. Ibinaon ko ang ulo ko sa malambot kong unan at tumili!
Hindi ko ine-expect na may iba pang lalaking dadampi sa mga labi ko maliban kay Lance.
When I thought about Rio and Lance's fought, I immediately sat up.
"A few kisses won't ruin our friendship right, Bernadette?" Rio asked.
Nagtataka akong tumingin sa kan'ya at nanlaki na lang ang mga mata ko nang lumapat ang malambot na labi ni Rio sa labi ko. Segundo lang yata 'yon dahil naramdaman ko na lang na bigla na lang may humila kay Rio at sinuktok siya.
Hindi pa ako nakakabawi sa gulat dahil sa paghalik sa akin ni Rio ay nagsusuntukan na sila.
Natataranda akong lumapit dahil nagpapalitan na ng suntok si Lance at Rio. Nakita kong gulat na gulat ang kasamang babae ni Lance at wala yatang balak na pigilan ang dalawa.
"'Te ano 'yan?! Tatayo ka na lang d'yan?! Tulungan mo akong paghiwalayin ang dalawa!" sigaw ko kaya naman nalipat ang tingin niya sa akin.
Nagpasalamat na lang ako dahil sa wakas ay tumulong na siya kaso nakakatakot pumagitna sa kanilang dalawa dahil baka matamaan kami ng suntok. Buti na lang talaga ay nagmamadaling lumapit si Manong Rolly at pumagitna na kay Lance at Rio.
"Siraulo ka ba?!" tumatawang tanong ni Rio kay Lance.
Nasa tabi na ni Lance ang babaeng kasama niya kanina at hawak-hawak na niya ang kamay nito na para pinapakalma si Lance.
Parehas kasing putok ang mga gilid ng labi nila.
Lalapit na sana ako kay Rio nang magsalita si Lance.
"Bernadette," tawag sa akin ni Lance kaya naman natigilan ako at pinakatitigan ko siya. Nangungusap ang mga mata ni Lance na para bang ayaw niya akong lumapit kay Rio.
"Alangan naman ikaw ang alalayan ko? E 'di sinabunutan ako niyang asawa mo," inis na sabi ko at nagmamadaling lumapit kay Rio.
"Sino ba sila? Bakit ba nakikipag-away ka na lang bigla?" mahinhin na tanong ng babaeng kasama ni Lance.
Bigla akong nakaramdam ng inggit nang matitigan ko nang mabuti ang asawa ni Lance ng malapitan. Ang ganda ng pangangalawan, parang kumikinang ang kutis niya dahil sa sobrang puso, at tila mala-anghel ang mukha niya.
Para siyang si Angel.
"Bakit hindi mo sagutin ang asawa mo?" tanong ni Rio at nakangiting inakbayan ako. "Pagsabihin mo 'yang asawa mo, Miss. Hindi ba 'yan nakainom ng gamot niya at bigla-bigla na lang mananakit ng pogi?"
Parang umatras bigla ang insecurities ko nang magbiro si Rio.
Muling nagtama ang mga paningin naming dalawa ni Lance. Hindi siya nagsasalita pero nakatitig siya sa akin.
What would he say to his wife if she asked again who I was in Lance's life?
"Sino raw ako, Lance," mahinang tanong ko dahilan kung bakit umiwas si Lance ng tingin sa akin.
Umiwas din naman ako dahil parang may pumiga sa puso ko.
"Duwag," mahinang sabi ko at tinalikuran silang lahat.
Hindi naman talaga ako aalis. Pupunta lang ako doon sa kotse ni Rio. Doon ko na lang sila hihintayin. Baka masuntok ko lang si Lance kapag nanatili pa ako sa harapan nila at nakikita ko kung gaano kaperpekto tignan ang asawa ni Lance.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romansa"I guess my role ends here... Thank you for using me."
