Chapter 14

4.7K 83 3
                                        

Enjoy reading, Sweeties:)

Bernadette

"Pasensiya ka na kay Rio, may saltik talaga 'yon minsan," mahinang sabi ni Xandro sa 'kin kaya naman ngumiti na lang ako ng pilit.

"O-okay lang, salamat sa inyong dalawa ng kaibigan mo. Kung hinayaan niyo lang ako kanina na hilain ni Lance, paniguradong mag-aaway kaming dalawa," mahinang sabi ko habang nakatitig bintana ng kotse ni Xandro.

"Wala akong mukhang maihaharap kay Angel kapag hinayaan kitang guluhin ng ex mo, galit na galit pa naman si Angel do'n," bulong niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Napagtanto ko na sobrang mahal ni Xandro si Angel na maging ang malalapit na tao kay Angel ay nirerespeto at iniingatan nito.

Sana lang hindi sirain ng pagmamahalan nilang dalawa ang problema ni Angel tungkol sa pagkakaroon ng sariling anak.

"Xandro, can I ask you a question?" I whispered.

Tumingin siya sa akin bago mahinang tumawa.

"Nagtatanong ka na."

"Ikaw basag ka talaga. Minsan na nga ako magseryoso baliw pa nakausap ko," angil ko kay Xandro.

"Wow! Coming from you huh?"

Inirapan ko siya at itinuon na lang ang buonh pansin sa bintana ng sasakyan. Sobrang traffic na siguro dahil alas syete na rin ng gabi.

"Tungkol saan ba ang itatanong mo?" mahinahon na niyang tanong.

Napairap na lang ako lalo't kaya naman pala niyang maging mahinahon.

"Tungkol kasi 'to sa kaibigan kong lalaki na nalaman na hindi mabubuntis ang asawa niya dahil nga may problema 'to sa matres. He's asking me for some advises kung ano ang pwede niyang gawin. Gustong-gusto na ng lalaki kong kaibigan na magkaanak kaso hindi na 'yon maibibigay ng asawa niya. Sa tingin mo ano ang kailangan niyang gawin?" mahinang tanong ko.

I just want to know his own perspective about sa ganitong usapan.

"Are they still together? Nagsasama pa rin ba sila sa iisang bubong o nagkahiwalay sila upang makapag-isip tungkol sa pinagdadaanan nilang mag-asawa?" tanong niya habang tutok pa rin ang mga mata sa harapan.

Ihahatid niya kasi ako sa bahay. Sumang-ayon na rin naman ako para makatipid ako sa pamasahe.

"They're still t-together." I whispered.

"I think they need to be given some space to think about that matter. Another thing is that it should not be done independently, but both of them should face it together and hold hands to think of a solution. Kasal sila, at nangakong magsasama sa hirap at ginhawa. Kung sabay nilang kakaharapin ang problemang 'yon paniguradong makakaisip sila ng paraan paano nila masusulusyunan 'yon ng magkasama 'yon ay kung mahal nila ang isa't-isa," he whispered back.

Tulok lang siya sa daan ngunit base sa pagkunot ng makapal niyang kilay ay ramdam ko sa boses niya ang kaseryosohan sa sinabi niya.

"Paano kung sa 'yo 'yon mangyayari? Paano kung isa sa inyo ni Angel ang gusto nang magkaanak ngunit isa rin sa inyong dalawa ay hindi kayang ibigay 'yon?" mahinang tanong ko.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon