Enjoy Reading:)
Bernadette's POV
Tumatakbo akong lumapit sa nakakabata kong kapatid dahil nakita ko kung paano ibato ni Mrs. Lazaro ang mga gamit namin sa apartment.
"Lumayas kayo! Nasaan ang Nanay niyong kabit ng asawa ko?! Nasaan?! Mga hampas lupa!" tumayo ko si Jia na umiiyak habang pinupulot ang mga damit namin.
"Ate!" umiiyak na tawag niya sa pangalan ko.
Niyakap niya ako ng mahigpit nang makita niya ako. Humarap naman ako kay Mrs. Lazaro at pinatigas ang mukha ko.
"Alam mo bang kaya kitang kasuhan dahil sa ginawa mo?" malamig na tanong ko sa kanya kaya malakas siyang natawa.
"Property 'to ng asawa ko! Ibig sabihin pamamahay ko 'to! Ang lakas ng loob mo," malamig na sabi nito kaya napabuntong hininga ako.
"Gusto mo bang isampal ko sa 'yo na bayad ako ng upa rito ng anim na taon," malamig na sabi ko kaya nagulat siya. "Sige na Jiji, ipasok mo na ang mga damit sa lo---"
"Kabit ang mama mo! Lumayas kayo sa pamamahay ko!"
"Return my advance payment then." Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko.
Totoo naman ang bali-balita rito na pineperahan niya rin si Mr. Lazaro. Kaya siguro gigil na gigil sa amin. Kasalanan ko ba ang kasalanan ng ina ko?
"Ang lakas ng loob mong manggulo rito... sinabi ko na noon na huwag mo na kaming guguluhin. Ibalik mo ang binayad ko at aalis kami rito. 'Di ba mapera ka? Bakit hindi mo hanapin ang asawa mo at ang babae niya?"
"Kabit na nga ang Nanay mo, ang panget pa ng ugali mo," sabi nito kaya napairap siya.
"Ikaw na nga panget ang mukha hindi ko naman pinuna," sabi ko kaya galit na galit sana niya akong susugod na sana sa akin nang magsalita ako, "subukan mong lumapit, tatabingi 'yang peke mong ilong."
Tumigil siya, mahinang tumatawa ang kapatid kong si Jiji kaya pinigilan ko rin na matawa.
Inis na inis na kasi ako, hindi lang naman siya ang nawalan. Iniwan din naman kami ni Mama para sumama sa ibang lalaki kasi nabuntis na.
Grabe, ang tanda tanda na niya pero nagawa pero para siyang tumatanda ng paurong. Hindi porke't nabaldado si Papa dahil sa pagtra-trabaho ay iiwan niya kami.
"Magkikita pa tayo! Sabihin mo sa nanay mo na kabit pa rin siya. Isusupa kong magiging gano'n ka rin. Hindi na ako magugulat kung ikaw at mga kapatid mo ay dadaanan sa iba't ibang lalaki!"
Dahil sa inis ko ay galit na lumapit ako sa kanya at malakas siyang sinampal.
"Mag-ingat ka sa pananalita mo, alam ko na kung bakit iniwan ka ng asawa mo," malamig na sabi ko at inirapan siya bago kinuha ang mga damit na pinagbabato niya.
Hindi ako natatakot dahil minsan na kaming napabarangay dahil sa kanya pero meron naman akong katibayan at hindi niya ako mapapalayas hanggang sa hindi niya binabalit ang perang ibinayad ko.
Kahit na grabe na ang pamamahiya sa amin ng mga kapatid ko ay talagang tinitiis ko siya.
"Si Papa nasaan?" tanong ko nang makapasok kami sa loob ng bahay.
"Hahanapin niya raw si Mama," mahinang sabi ni Jiji kaya nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Papa.
Huwag niyang sabihin sa akin na naglakad na naman siya habang nakasaklay? Bakit ba hindi nalang niya tanggapin na iniwan na kami ni Mama?
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."
