Enjoy Reading, Sweeties
Alexandro
Tuluyang bumagsak ang mga katawan ni Angel sa ibabaw ko kaya naman madiin akong napapikit upang hayaan na kumalma ang sarili ko.
Matapos ang mapusok na gabi namin ni Angel ay alam kong pasinsinang pag-uusap ang kailangan naming dalawa.
"Angel," I whispered her name with full of affection.
I can clearly see Angel who will grow old with me. In all the ladies I've known, only Angel has ever given me a truly special emotion of love.
Magaan kong hinaplos ang malambot niyang buhok upang iparating ko sa kan'ya na kahit saan man siya magpunta ay hahanapin ko pa rin siya.
"Mag-usap na tayo ngayon ng masinsinan, Gel," puno ng suyo kong sabi sa kan'ya.
"Just like I told you, I can't give you a child," she said breathlessly.
Buong suyo kong hinahaplos ang malambot na mga braso ni Angel habang pinapakalma ko ang aking sarili. Ayokong isiping malaking problema ang pinagdadaanan ni Angel ngayon lalo't hindi namin maaayos ang relasyon naming dalawa kung hahayaan ko itong maging problema.
Sa edad ko ngayon masasabi kong hindi ko na nakikita ang sarili ko na maging Ama lalo't natatakot ako na baka hindi ako maging mabuting Ama. Isa akong bastardo na umasang makakaranas ng buong pagmamahal kay Dad ngunit sarili ko lang ang sinisisi ko. Kahit ano pa ang gawin ko ay lalabas pa rin akong black sheep sa pamilya. Nasisiguro kong isang pagkakamali ko lang ay mawawala ang alam nang pinaghirapan ko.
Ngunit ayaw ko namang magbitaw ng sarili na hindi ko gugustuhing maging Ama sa hinaharap. Pinapakita ko lang sa harapan ni Angel na kalmado ako ngunit hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Hindi ko alam kung paano namin malalampasan 'to dahil alam kong gustong-gusto na ni Angel na magkaroon ng anak.
"Bakit? Bakit surrogacy ang nakita mong solusyon sa problemang 'to?" mahinang tanong ko.
Gusto ko siyang maintindihan. Gusto kong malaman kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya upang alam ko kung paano ako makakatulong.
Gano'n naman ang isang magkarelasyon. I need to understand her so I know how to help her. That's how a relationship works.
"Your mom... she wants me to give you an heir immediately." Madiin akong napapikit dahil sa sinabi niya.
Naiintindihan ko si Mom dahil natatakot siyang mawala sa akin ang meron ako ngayon subalit wala naman akong pakialam.
Kailangan kong gumawa ng sarili kong pangalan. Ito ang rason kung bakit kailangan kong magsikap. Alam kong hindi magtatagal ay kukunin ni Dad ang kung anong ibinigay niya sa 'kin. Alam kong ang dahilan niya kung bakit ipinasa niya ang kumpanya ay dahil gusto niyang magpabango sa publiko dahil balak niyang tumakbo sa pagkasenator sa susunod na eleksyon.
"Sinabi ko na sa 'yong huwag mong pakinggan ang sinasabi ni Mom," mahinang sabi ko at pinakatitigan ang kisame sa bahay ni Angel dito sa New York.
"Paanong hindi ko iisipin? Hahadlang siya sa kung ano—"
"Am I just a joke to you, Angel? Gano'n ba ang tingin mo sa nararamdaman ko sa 'yo? Kahit sino'ng hahadlang sa relasyon nating dalawa hindi no'n mababago ang pagmamahal na meron ako sa 'yo," kalmadong sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Roman d'amour"I guess my role ends here... Thank you for using me."
