Chapter 11

3K 76 30
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)

Bernadette

"Hoy gaga! Ano 'yon? Poser?" gulat na gulat na tanong sa 'kin ni Kassidy pagpasok na pagpasok palang namin sa opisina.

"Secret," mayabang na sabi ko.

Inirapan naman ako ni Kassidy at magsasalita na sana nang pumasok ang head sa department namin.

"Ms. Sumaya pinapatawag ka ng CEO," biglang sa ng head sa department namin kaya nagkatinginan kami ni Kassidy.

Hindi ko pa nasasabi sa kan'ya kung sino ba talaga si Xandro dahil gusto ko lang talaga siyang mag-overthink kung bakit in-add ako sa social media.

"Baka magpapasayaw," bulong ni Kassidy sa akin kaya naman namula ako.

"Gaga!"

"Bagong trabaho tayo ah, grabe ka na Bernadette," birong sabi ni Kassidy sa akin kaya inirapan ko siya.

Sinunod ko na lang ang sinabi ng head namin. Baka nando'n si Angel lalo't balak niya talagang dalawin ako rito sa trabaho.

Kunatok ako nang tatlong beses sa nakasarang pinto ng opisina ni Xandro.

"Come in," he said seriously.

Hindi ko na pinansin ang kahihiyan na nararamdaman ko. Wala rin namang mangyayari! Tapos ko na siyang gilingan sa bar, hindi ko na 'yon mababago pa.

Buti nga 'di na-inlove sa akin e dinaig ko pa naman si Marimar kung sumayaw.

Malapakas ko tinampal ang ulo ko dahil sa kung ano-anong pumapasok doon.

"Good morning, Sir. Pinapatawag mo raw po ako," magalang na sabi ko nang makapasok na ako sa loob.

As I expected, I saw Angel sitting at Xandro's table while Xandro was busy in front of his laptop.

Ang expensive nilang tignan ni Angel. Siguro dahil mula sa marangyang pamilya.

"Oo pinatawag kita, matagal ka na rin palang nagtra-trabaho rito at so far so good, Angel seems to be right to hire you as my secretary. I have a contract to give you. Read and understand carefully what is written here in the contract. Then when you have decided, start working as my secretary," he stated.

Bigla namang nag-hang ang utak ko dahil sa narinig mula kay Xandro.

"Po?" hindi ko makapaniwalang tanong. Secretary na ng CEO... ibig lang sabihin no'n ay mas malaking kita.

Pero bakit? Sa tingin ko naman ay hindi ako nararapat sa ganoong posisyon sa kumpanya ni Xandro.

"I talked to Xandro that he should hire you as his secretary especially since he is also looking for someone who can reach his standard," Angel said.

Seryoso ba talaga sila?

"Seryoso ba 'yan?" mahinang tanong ko kaya nakitang kong nasa akin na ang titig ni Xandro.

Dahil pakiramdam ko ay binabasa ni Xandro ang nilalaman ng isip ko dahil sa malalim na pagtitig ng brownish niyang mga mata ay umiwas ako ng tingin.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon