Chapter 33

2.9K 112 25
                                    

Enjoy reading, Sweeties

Bernadette

"Ipaalam mo ako," mahinang sabi ko kay Xandro. Nandito kami ngayon sa bahay at hindi ko naman inaasahan na nandito rin sila Tatay dahil mukhang balak na ipagluto si Jiji.

I love how my father changed when Jiji had the accident. Hindi naman porke't nararamdaman ko 'to ay ginusto ko na ang nangyari kay Jiji. Nakakita lang talaga ako ng magandang pagbabago sa aking ama.

He was always in the hospital and it never even crossed his mind to look for Mama again. Kaya naman pala niyang umusad nang wala si Mama.

"Ikaw na," bulong sa 'kin ni Xandro dahil nandito kami ngayon sa kusina at hinihintay na makapagluto si Tatay na tinutulungan naman ni Uncle Gaston.

Para naman kaming mga bata ni Xandro na nagbubulungan. Hindi pa rin kasi ako pinapansin ni Tatay at halatang nagtatampo sa 'kin dahil nga sa biglaang pag-amin sa kan'ya ni Xandro tungkol sa pinagbubuntis ko.

"Bakit ako?" tanong naman niya sa akin kaya masama akong tumingin sa kan'ya.

"Sino ba'ng namimilit sa 'kin na tumira sa bahay niya?" inis na tanong ko kay Xandro kaya nakita ko siyang pasimpleng humawak sa sintido niya.

Para kaming mga batang nagbubulungan ngayon ay biglang maghihiwalay ang mga ulo namin kapag tumitingin sa amin si Tatay.

Nakita kong biglang umupo nang maayos su Xandro na para bang takot na takot siya sa Tatay ko.

Hindi ko alam pero nagpigil ako ng tawa dahil sa ginawa niya, masama naman na tumingin sa 'kin si Xandro na para bang may mali sa naging reaksyon ko.

"Bakit masama ang tingin mo sa anak ko?" masungit na tanong ni Tatay kay Xandro kaya agad namang umupo ng maayos.

Nakakunot ang noo ko dahil sa naging reaksyon niya. "Natatakot ka ba sa Tatay ko, Alexandro?"

Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kan'ya. Hanggang sa masama siyang tumingin sa akin.

"Hindi, Why would I be afraid of your father?" he said as he frowned.

Nagkibit balikat na lang ako at hinintay si Tatay. Hindi rin naman nagtagal ay may ibinaba siyang plato sa harapan ko na puno ng pagkain.

Tila may humaplos sa puso ko nang makita kong lugaw 'yon na kumpleto sa rekado. Tila lugar sa isang restaurant ang nasa harapan ko ngayon dahil sa ganda ng pagkaka-serve sa akin.

Simula nang mawala si Mama at sumama sa ibang lalaki ay hindi ko na nakita si Tatay na nagluto para sa 'min nila Jiji.

Natutuwa ako sa pagbabago ni Tatay. Sa tingin ko, unti-unti nang bumabalik at Tatay ko. Sa tingin ko maganda 'tong simula sa 'min nila Jiji.

Nawalan kami ng Nanay noong umalis si Mama, siya lang ang nawala subalit tila kasabay nang pagkawala niya ang pagkawala rin namin ng Tatay kahit pa ba kasa-kasama namin siya.

Ngayon na muli niyang ginagawa sa 'min ang mga bagay na parati niyang ginagawa noon ang dahilan kung bakit nasisiyahan ako sa pagbangon ng ama ko. Nawa'y magtuloy-tuloy ang pagbangon niyang 'to.

"Sir, nandito rin po ako," rinig kong sabi ni Xandro kaya naman nilingon ko siya.

Nakita ko kasing nakaupo na si Tatay at Uncle Gaston sa harapan namin at nagsisimula nang kumain. Napansin kong may kan'ya-kan'ya na kaming lugar sa harapan namin samantalang wala pa kay Xandro.

"Bakit anak ba kita?" biglang tanong ni Tatay kaya naman napahawak ako sa sintindo ko dahil sa kapangitan ng pag-uugali ng Tatay ko.

"Tay, boss ko po si Xandro," mahinang sabi ko.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon