Enjoy Reading ❤️
Bernadette POV
Nagising ako na gusto kong tanggalin ang ulo ko dahil pakiramdam ko mabibitak dahil sa sobrang sakit. Hindi ko na uulitin na uminom kung ganito naman ang mangyayari sa akin kinabukasan.
Parang pinopokpok ng paulit-ulit ang ulo ko dahil sa sakit.
My chest suddenly pounded so fast when I opened my eyes and see the unfamiliar room.
Where am I?
Oy sorry, nag-eenglish ako sa aking mind, expensive!
Bigla akong tumayo at nakaramdam ng agarang pagsisisi dahil pakiramdam ko ay umikot lalo ang mundo ko at nabuwal ako. Naglikha pa nga 'yon ng malakas na ingay kaya narinig kong may tumakbo at bumukas ang pinto.
"Hoy babae ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ni Kassidy kaya biglang napanatag ang puso ko. Wala na akong pakialam kung kaninong kwarto ito basta ang mahalaga sa akin ay kasama ko si Kassidy at ang ibig lang sabihin no'n ay ligtas ako.
"Kassidy, n-nasaan tayo?" nahihilong tanong ko sa kanya kaya naman narinig ko ang malakas niyang tawa.
"Ang yabang mo... wala kang naaalalang ginawa mo kagabi?" tanong ni Kassidy sa akin.
Napakagat naman ako sa ibabang labi ko dahil sa kabang nararamdaman bago umiling kay Kassidy lalo't wala naman talaga akong maalala.
"Tanga, may sinayawan kang lalaki kagabi," sabi niya bago tumawa ng malakas.
"Ano?!"
Tawa lang siya ng tawa samantalang mas nahihilo na ako dahil talagang inaalala ko ang nangyari kagabi pero ang alam ko lang ay pumunta kami sa isang mamahaling bar ni Kassidy gamit pa nga namin ang credit card ni Lance the manloloko.
Mayaman na mayaman kami kagabi dahil sa credit card ni Lance. Aba bayad niya 'yon sa sakit na binigay niya sa akin.
Grabe naman ang business trip niya, kinasal ang hayop! Ano ako kung gano'n? Iniwan sa ere? Mag-fly high butterfly ako sa ere?!
"Oo nga," tumatawang sabi ni Kassidy bago ko nakitang may kinuha ito sa bulsa, "may scandal ka pa nga e sa akin e."
Nagmamadali siyang lumapit sa akin at may ipinanood sa akin sa cellphone niya. Madilim ang bar at masakit sa ulo ang nagpapatay-sinding mga ilaw.
Parang nanonood ako ng nagwe-welding dahil ang sakit sa mata ang patay sinding ilaw sa video.
Rinig na rinig ko ang tawa ni Kassidy sa video kaya naman hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa ginawa ng kaibigan ko.
I saw a woman dancing and her body was almost touching the man who was standing just in front of her.
Nanlaki ang mga mata ko, "gago ako ba 'yan?"
Tila nawala ang hilo ko. Tawa lang ng tawa si Kassidy na para bang hindi niya ako kaibigan.
"In fairness sexy ko d'yan," sabi ko habang titig na titig sa video. Inaaninag ko ang mukha ng lalaki sa video. Lalo't hindi ko makakaya kung manyakis ang itsura ng lalaki.
Gusto kong makita ang maswerteng sinayawan ko kagabi! Malay ko bang 'yan na ipapalit ko kay Lance 'di ba? Sayang naman kapag 'di ko nakilala.
"Ang landi mo d'yan gurl," tawa lang ng tawa na sabi ni Kassidy.
"Tanga ka naman d'yan mamaya manyakis 'yan! Omo! May boyfriend ako g—-"
"Kasal na 'di ba? Kaya nga naglasing ka," biglang sabi ni Kassidy dahilan kung bakit sawi na naman ang puso ko.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."