Chapter 18

1.9K 46 6
                                    


Enjoy Reading, Sweeties

Bernadette

I regret that I lied in the email I sent to Xandro. Nakarma agad ako.

"Kamusta si Tito?" tanong ni Kassidy habang papasok kami sa loob ng opisina.

"Pilay na nga sa paa, pinilayan pa sa braso," mahinang sabi ko. Nakita kong nagpipigil si Kassidy ng tawa dahil sa sinabi ko kaya napairap na lang ako bago magsalita, "hindi ako nagbibiro. Thankful ako na kahit papaano ay hindi malubha ang nangyari at nasagi lang siya ng kotseng nakabangga sa kan'ya."

Lahat naman ng problema ko ay nadadaan ko sa biro pero deep inside sobrang nahihirapan ako. Wala lang akong choice kundi maging malakas.

"Dino-dogshow mo na naman si Tito," mahinang sabi ni Kassidy at tatawa na sana nang matagal nang bigla na lang may bumangga sa akin.

"Oh sorry," paghingi ng sorry nito at tumitig sa akin.

I can clearly see his mischievous smile again as if he wants to do nothing but tease me.

"Hey there beautiful," he teased.

Dahil nga malaki ang pasasalamat ko dahil pinasakay niya ako at hinatid sa hospital nang masagasaan si Tatay ay pinilit kong huwag siyang irapan.

Tumingin si Rio kay Kassidy at katulad nang palagi niyang ginagawa ay ngumiti siya na para bang umabot na sa tenga niya ang pagngiti niya habang nakatingin kay Kassidy. Nakita kong inilahad niya ang kamay niya para siguro makipagkilala kay Kassidy.

"Hi gorgeous, I'm Rio... future husband mo," banat niya kaya naman nangasim bigla ang mukha ko. Tumingin ako kay Kassidy na parang canvas ang mukha dahil sobrang kapal ng tapal niya ng foundation sa mukha niya maitago lang ang pasa niya.

Akala ko ay sasakyan ni Kassidy ang sinabi ni Rio pero tumingin lang si Kassidy sa akin.

"Takas ba 'to sa mental?" tanong ni Kassidy kaya naman nagpigil ako ng tawa.

Napailing-iling na lang ako at humarap kay Rio.

"What are you doing here? Guguluhin mo na naman si Sir Del Bono?" I asked.

Siguro ngayon ko lang nagustuhan na muli niyang gagambalain si Xandro dahil ibig lang no'n sabihin ay hindi na naman papasok si Xandro.

"Grabe ka naman mang-judge, my Bernadette! 'Yang boss mo nga ang gumulo sa nananahimik kong mundo, do you know he ordered me to help you? I will be the one who temporarily attends Xandro's meetings for the mean time," he stated.

Natigilan ako pero kahit papaano ay pabor naman siguro sa akin na hindi siya makita.

"Bakit daw?" mahinang tanong ko.

"I guess sinusuyo niya ang kan'yang anghel," nakangiting sabi ni Rio sa akin kaya naman hindi ko mapigilan na mapaisip.

The trial they are facing right now is not easy now, especially na nakikisawsaw pa ang Ina ni Xandro tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Angel. Hindi madaling makisama sa mga Nanay na hadlang sa relasyon niyo ng anak niya.

Pinagdaanan ko na 'yon at hindi siya madali.

Hindi siya basta-basta. I hope Xandro isn't as weak as Lance. May he be able to stand up for the love he has for Angel, no matter what trial they can overcome as long as the two of them are together.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon