Enjoy Reading :)Nandito ako ngayon sa isang waiting shed, sobrang lakas ng ulan. Hawak-hawak ko ang anim na buwang tiyan ko. Malaki na talaga, halatang-halata pa kung titignan ako dahil payat ako.
Anim na buwan ko nang dinadala ang anak na ang tatayong ina ay hindi ako.
Pumayag ako...
Nagkaroon ng problema sa amin ng totoong mahal ng lalaking minamahal ko ngayon. Nalaman niya kasi niloloko namin siya. Niloloko, kasi pinangakuan na ako ng ama ng anak ko na importante na ako sa kanya at hindi niya ako pababayaan.
Of course I believe his promises.
Ngayon nandito ako at hinihintay siyang sunduin ako...
Tumawag naman na ako sa ama ng baby ko at dahil nga pananagutan niya ako at dinadala ko ang magiging anak niya ay sinabi niyang maghintay ako at susunduin niya ako. Alam kong sira ang kotse niya at nasa pagawaan pa.
I believe him, I trust him. Hindi naman siguro niya ako sasaktan.
Baka ako ang piliin niya.
I know he feels no love for me.
But I... I already love him to the point na ayaw ko nang ibigay sa kanila ang anak ko na nasa sinapupunan ko palang. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil pati ang sarili kong best friend na siyang tatayong ina ay pinagtataksilan ko na.
Masama ba'ng magmahal.
Kahit mali?
"Let's go." Napatingin nalang ako sa nagsalita sa harapan ko. May hawak siyang itim na payong na kasya naman kaming dalawa.
Nakita kong hinubad niya ang jacket na suot at maingat na pinasuot sa akin.
"I told you not to talk to Angel anymore. I'll take care of her," he said coldly to me.
"I need to talk to her," I whispered.
"For what? Pinapalala mo lang ang sitwasyon," mahinang sabi niya pero umiling ako.
"She's my best friend."
"And she's my fiancé," he argued. Tila natigilan naman ako dahil sa sinabi niya.
Oo nga naman...
"I'm sorry," mahinang sabi ko.
"Panay ka sorry. Tang ina kasi! Bakit mo kasi sinadyang ipakita sa kanya ang CCTV footage sa elevator ng kumpanya ko?"
"Sabi mo gusto mo na ako," pagdadahilan ko.
"Sinabi kong 'gusto kita' hindi 'mahal kita'," may diin na sabi niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa sinabi niya.
"Pumasok na tayo sa loob," malamig na sabi niya kaya tumango ako at yumakap sa braso niya para sumiksik at hindi mabasa ng ulan.
Pero masyadong malakas ang ulan dahil nabasa na ang dress na suot ko.
Nasa kalagitnaan kami ng mahabang daan papunta sa mansyon niya nang bumaba sa kotse si Angel nang walang dalang payong kaya mabilis itong nabasa ng ulan.
Sinadya kong ipanood sa kanya ang paglalampungan namin sa elevator kay Angel baka sakali kasing papunta na sa akin ang lalaking mahal na mahal ko.
Pwede naman ako naman ang maging masaya. Lahat nalang kasi meron kay Angel.
Titignan ko na sana ang lalaking katabi nang maramdaman ko ang malamig na buhos ng ulan sa katawan ko.
I was soaking wet because of the heavy rain.
Pagtingin ko sa harapan ko kung bakit ako nabasa ay... napangiti nalang ako.
Nagmamadali si Xandro na iwan ako para puntahan si Angel.
He let me and our baby get wet in the heavy rain to take care of the woman he truly loved.
Iniwan niya ako at hinayaang mabasa para payungan ang babaeng mahal niya.
Napangiti nalang ako ng mapait kasi talo na ako e, una palang talo na ako.
The man I love looked at me. He was shocked to see me soaking wet in the rain ... because he left me.
Tumalikod ako at doon na dere-deretsyo bumagsak ang masagana kong luha mula sa mga mata habang yakap-yakap ko ang t'yan kong malaki na.
Ito ang makukuha ng mga pilingerang babae na akala mo pipiliin ng lalaking may mahal na iba. Ito ang napala ko bilang nagpakampanteng surrogate mother para lang mapagbigyan ang hiling ng best friend ko.
Napangiti ako nang maramdamang unti-unting namamanhid ang puso ko dahil sa sakit.
Paano na ako ngayon?
Kapag isinilang ko na ang baby ko... kukunin siya sa akin panigurado ako.
Ayaw ko na siyang ibigay.
Sa akin siya...
Hindi ko kakayaning mawalan na naman.
- - - - - -
Please Read, Vote, & Comment
My new on-going babiii!
"THE SURROGATE WIFE"
![](https://img.wattpad.com/cover/280094084-288-k455144.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."