Hi Sweeties, pasensiya na at ngayon lang nakapag-update. Ang panget naman kabonding pagiging college be. HAHAHA Engineering course hindi mabait.🥲
Enjoy Reading:)
Bernadette POV
Kanina pa ako nandito sa terrace sa condo ni Lance. Kanina pa nga pasilip-silip si Lance e pero hindi ko naman mababaanan ng tawag si Angel.
Isama pa na natatakot ako dahil nanganganib na naman ang bataan.
Parang gago kasi ang tingin sa akin ni Lance na para bang may gagawin siya sa akin.
"Are you listening?" Angel asked. Kaya naman nabalik ang atensyon ko kay Angel na kausap ko pa rin hanggang ngayon.
Tsaka ko na lang iisipin kung bubutasin ako ni Lance mamaya. Delikado ang buhay ko rito. Hindi pa naman ako gano'n kalakas pagdating sa lalaking mahal ko.
"Nakikinig ako," pagsisinungaling ko kahit na ba hindi ko na natandaan ang pinagsasabi niya sa akin dahil nga lumilipad ang isip ko ngayon.
"Do you really think it's okay for me to talk to him about marriage?" Angel is concerned about the wedding she wishes to have. I had no idea what to say or do to help her feel better. I'm not ready to get married yet, especially since I have a lot to do before getting married.
Si Angel ay ready na, pero iniisip ko ang nobyo ni Angel.
Paano kung katulad ko ay hindi pa rin ito ready na maikasal kay Angel. Sabi kasi ni Angel sa akin kanina ay may mataas pang pinapangarap ang nobyo ni Angel.
"Sa tingin ko mas makakabuti ngang kausapin mo siya tungkol sa kasal na gusto mong mangyari. Kayong dalawa lang ang makakasagot niyan," mahinang sabi ko dahil labas naman ako sa relasyon nilang dalawa. "Nasa likod mo lang ako palagi kaya huwag kang mag-alala. Kahit na ano'ng mangyari naman ay nasa likod mo lang ako nakasuporta sa 'yo."
"What if he refuses?" Tanong na hindi ko alam kung ano ang isasagot dahil hindi naman ako ang nobyo ni Angel.
"Then ano ang plano mo kapag nagkataon na tumanggi muna siyang magpakasal dahil hindi pa siya handa?" tanong ko naman kaya naman narinig kong napabuntong hininga si Angel dahil sa anong ko.
Magkaibang-magkaiba kami sa maraming bagay ni Angel pero hindi naman 'yon naging hadlang para maging magkaibigan kaming dalawa.
Malapit na at parang kapatid na ang turing ko kay Angel.
"But he is the one I want to marry," she whispered.
Napakamot naman ako sa noo ko dahil sa sinabi niya sa akin. Napabuntong hininga rin ako dahil sa sinabi niya sa akin.
"May magagawa ka ba kung hindi pa siya handa? I mean if mahal mo naman siya pwede ka namang maghintay," mahinang sabi ko at nilaro ang mga daliri kong hindi na alam kung kailan huling nakaramdam ng linis sa kuko.
"But I really want to get married," she insists on the thing she wants.
"Angel paulit-ulit tayo rito, babaita. Need niyong mag-usap na dalawa talaga kung gusto niyong magkaintindihan. Kayo lang naman makakasagot sa gusto mong mangyari e. Tsaka kung gusto mo na talagang magpakasal subukan mo siyang ayain no'n at mag-usap kayo tungkol doon. Tama na 'yong mindset natin na dapat lalaki lang nag-aaya ng kasal. Since meron ka nang desire na magpakasal... kausapin mo siya since siya naman ang nobyo mo," mahinang sabi ko dahil hindi ko na alam kung ano pang sasabihin kay Angel.
Kapag talaga meron siyang gusto alam kong gagawin niya ang lahat para makuha 'yon. Hindi na 'yon nawala kay Angel.
"Natatakot ako," mahinang sabi ni Angel kaya naman magsasalita na sana ako nang lumabas si Lance sa kwarto nito at pumunta siya sa pwesto ko kaya naman napalunok ako dahil sa klase ng pagtitig niya sa akin ay iba.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romansa"I guess my role ends here... Thank you for using me."