Chapter 9

5.8K 101 19
                                        

Enjoy Reading, Sweeties:)

Bernadette

Sinalo ko na yata ang lahat ng malas na meron sa mundo. Ngayon ko lang na-realize ang malaking pera na nawala sa akin dahil sa matandang nang-scam sa akin.

Tapos nasalubong ko pa 'yong lalaking sinayawan ko sa bar!

"Grabe namang pagpapahirap mo sa akin, Papa G," mahinang sabi ko at napailing-iling na lang. Hindi ako no'n pinatulog ng ilang gabi. Hindi ako makakain ng maayos dahil nga sa mga problema ko sa buhay.

Dumagdag pa 'yong poging nagngangalang Alexandro. Pogi rin ng name.

"Buti 'di ka late ngayon," sabi ni Kassidy. Bumungad agad sa akin ang mukha ng kaibigan kong kampon din ni Lucifer.

It was really her fault that I danced with Alexandro that night. Hindi man lang niya ako niligtas sa kahihiyan. Grabe halos liparin ko ang pagitan namin ng taxi para lang makatakas sa harapan ng lalaking 'yon.

Ang malala pa nang maikwento ko 'yon kay Kassidy ay tinawanan lang ako ng animal.

"Ngayon dadating 'yong anak ng CEO hindi ba? Girl gusto ko pa ng trabaho ano? Malay mo ma-inlove sa akin gawin akong asawa," biro ko sa kan'ya habang nag-aayos ng mga gamit ko sa lamesa ko.

"Wala man lang pa-welcome party ang kumpanya na 'to akala mo naman talaga ay mababawasan ang milyones nila kapag nagpa-welcome party lang sila saglit," naiinis na sabi ni Kassidy habang inuubos niya ang kape niya.

"Desisyon ka? E sa ayaw nila magkaroon ng selebrasyon e," sagot ko naman kaya natawa si Kassidy.

"Kapag gwapo po 'yon walang agawan ah. Single ka pa naman kaya baka agawan mo ako," pabirong sabi niya kaya naman natigilan ako.

Muling bumigat ang puso ko dahil sa sinabi niya. Matagal din noong huling may nagsabi sa akin na single ako.

Nagulat na lang ako nang maramdaman kong hinampas ng folder ni Kassidy ang noo ko.

"Napa-sad girl. Umiiyak ka na naman?" tanong ni Kassidy sa akin kaya inirapan ko naman siya.

"Ewan ko sa 'yo... tabi ka na nga d'yan, may trabaho pa tayo," sabi ko at tinulak ko siya na tiatawanan lang ako.

"Magtrabaho ka na! Huwag kang mag-alala, ako na lang magpapakasal sa 'yo," biro niya sa akin kaya naman itinaas ko ang gitnang daliri ko at ipinakita 'yon sa kay Kassidy na tawa lang nang tawa dahil sa ginawa ko.

Huwag lang talagang hayaan ni Lance na magkasalubong ulit ang mundo naming dalawa dahil talagang kakaway siya kay San Pedro ng wala sa oras.

Nakakasukang cheater.

Parehas silang cheater ni Mama.

The man I didn't expect to cheat on me because I know he knows what I went through because of my cheating mother is the one who cheated on me.

I just forgot the name of that animal in my mind. I have to work.

Nasa mahirap na pamilya nga pala ako.

Even though it was difficult, I forced myself to distract myself from my work.

Napatigil lang ako sa pagtutok sa computer nang makita ko si Kassidy na humahangos na tumatakbo papalapit sa akin.

"Mare! Halika dali!" sigaw ni Kassidy kaya nagtinginan ang ibang empleyado sa akin kaya naman agad siyang nag-peace sign.

"An oba 'yon?" tanong ko sa kan'ya at tumayo sa kinauupuan ko.

"Girl... napakabulok ng kumpanya na 'to! Alam mo bang kanina pa pala inililibot 'yong anak ng CEO rito sa opisina?" malalaki ang mga matang tanong ni Kassidy sa akin.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon