Enjoy Reading, Sweeties
Angelica Lei
I stared at the nearly empty bottle of vodka. I don't know how many hours I've been drinking while I'm here on the balcony of our room.
Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hanggang ngayon kahit na nasaktan ko na si Bernadette ay hindi pa rin ako makapaniwala.
I like to think that everything is not true.
Ang dalawang taong 'yon... sila ang pinakaimportante sa buhay ko.
Matatanggap ko pa kung lolokohin ako ni Xandro sa kahit sa sinong babae subalit hindi si Bernadette. Kung may taong hindi ako sasaktan ay si Bernadette 'yon kaya paanong nangyaring siya pa ang nanakit sa akin ng ganito?
Napasabunot ako sa mga buhok ko dahil pakiramdam ko ay sumakit ang ulo ko. Wala nang lumalabas sa luha sa mga mata ko dahil siguro naiyak ko na lahat noong nalaman ko ang nangyari sa kanilanh dalawa.
'Paano na lang kung 'di ko pinapasundan si Xandro, simula nang maghiwalay kaming dalawa?'
I broke up with Xandro because of the frustration I was feeling. Wala namang ibig sabihin 'yon kung tutuusin, palaging gano'n naman ang nangyayari sa 'min kapag may malala kaming pinag-aawayan. On and off ang relasyon na meron kami sa dalawang taon naming pagsasama.
But in the end we will get back together.
Naghihintay lang akong bumalik siya sa 'kin. Hinayaan kong pakalamahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay kulang na kulang ako dahil hindi ko kayang magkaroon ng anak.
'Kaya ba ayaw niya na akong balikan dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ni Bernadette? Gano'n ba 'yon?'
Sa halos magtatatlong linggo. Hinintay ko na umamin silang dalawa sa akin. Umaasa akong may paliwanag sa ginawa nila. Umabot ng isang linggo ang paghihintay ko bago ako magpasya na makipagbalikan kay Xandro lalo't tila ayaw niya akong makita.
Iniisip ko na baka nahihiya siya sa 'kin dahil may ginawa siyang kasalanan ngunit nang makipagbalikan ako sa kan'ya ay tinanggihan niya at sinabing kailangan naming dalawa ng sapat na panahon upang makapag-isip.
Para siyang hindi ang nobyo ko.
Para siyang ibang tao dahil tinanggihan niya ang pakikipagbalikan ko.
Binigyan ko pa sila ng oras para umamin sa 'kin dahil ako naman talaga ang dehado rito. Ako ang niloko at ako ang nasaktan.
Mabait pa nga ako sa part na binigyan ko siyang ng chance na umamin sa kasalanan nila sa 'kin pero wala akong natanggap. Ako pa ang kailangang gumawa ng aksyon para ipaalam kay Bernadette na may alam ako.
Ang masakit... bakit? Bakit hindi niya tinanggal sa pagiging sekretarya niya si Bernadette? Bakit hinayaan ni Xandro na manatili pa rin si Berna na magtrabaho sa kan'ya sa kabila ng pagloloko nila sa akin? Bakit?
Pumunta ako kay Xandro kahapon para muling makipagbalikan. Muli kong ibinaba ang sarili ko para makapagsimula kami ni Xandro subalit muli niya akong tinanggihan. Muli niyang sinabi na kailangan naming dalawa ng panahon para makapag-isip kung kailangan naming manatiling magkasama.
Ano ako tanga? May nabubuong kung ano sa isipan ko kung bakit ayaw na sa 'kin ni Xandro pero gusto ko silang bigyan ng pagkakataon.
'Akin siya at ang kung ano ang sa akin ay dapat sa akin lang.'
Wala nang mawawala sa 'kin. Siya na lang ang meron ako. Hindi ko kayang magkaroon ng anak. Kung hindi ako magkakaroon ng anak, pwes maikakasal ako sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."
