Enjoy reading, Sweeties
Bernadette
Sinunod ko ang kagustuhan ni Angel na huwag magpakita sa kanilang dalawa ni Xandro. Ito rin naman ay para sa kapakanan naming tatlo kaso ang pinagtatakahan ko lang ay sa isang linggong lumipas ay walang palyang nakakatanggap ako ng tulips sa araw-araw na lumipas.
Katulad na lang ngayon. Nandito ako sa labas at may nakita na naman akong bouquet ng tulips. Noong una ay akala ko si Kassidy pero sinabi niya lang na 'yong pambili ng tulips ay ipambibili na lang niya ng pagkain ko.
Si Lance rin ay pumasok sa isip ko. Tatlo lang kasi ang nakakaalam ng gusto kong bulaklak at 'yon ay si Angel, Kassidy, at si Lance.
'Feeling main character ako rito sa harapan ng gate namin kasi isang linggo na akong pinaggagastusan ng kung sino.'
Papasok na sana ako sa loob habang hawak-hawak ang bouquet ng tulips nang may bumusinang sasakyan. Napakunot ako ng noo ko nang makita ang kotse ni Angel.
Tama ngang kay Angel ang kotse na nasa harapan ko ngayon dahil bumaba siya mula roon.
"Hi, Berns," nakangiting sabi niya kaya naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko rin namang gusto na tarayan niya ako.
"B-bakit? May kailangan ka ba sa 'kin?" mahinang tanong ko.
Tumango naman siya at naglakad papalapit sa 'kin. Saglit siyang tumingin sa hawak kong bulaklak bago muling sinalubong ang mga mata ko.
"Can we talk?" she asked.
Angel's expression showed that she was under a lot of stress.
"S-sige, pasok tayo sa loob," mahinang sabi ko at binuksan ang gate para makapasok si Angel. Tahimik lang naman kaming pumasok sa bahay. Ako lang din ang nandito kasi balak kong mag-apply ng trabaho online.
Hindi ko gustong umasa kay Angel tungkol sa pangangailangan ng pamilya ko sa pera. Hindi ko naman na iisipin ang gastos namin sa hospital dahil sinalo naman na 'yon lahat ni Xandro.
"Ayos ka ba? Nagpa-check up ka na ba ulit? Kailangan mo 'yon para sa vitamins mo," mahinang sabi ni Angel kaya kahit papaano napangiti ako.
"Binabalak ko palang next week," mahinang sabi ko at naupo sa sofa namin. Sunod naman na umupo ay si Angel sa tabi ko.
Parehas lang kaming tahimik na dalawa na tila walang gustong magsalita sa 'min.
Kinabahan naman pero dahil dahil bisita ko si Angel ay nagtanong ako sa kan'ya, "May gusto bang inumin?"
Tumingin siya sa akin bago umiling kaya ako ang unang umiwas ng tingin sa kan'ya.
"Gusto kong pag-usapan ang tungkol sa bata d'yan sa sinapupunan mo," mahinang sabi niya sa 'kin.
Nagkausap din kami ni Kassidy tungkol sa bagay na 'to at nagbigay siya ng opinyon sa 'kin. Hinihintay ko lang talaga si Angel na kausapin ako.
"May naisip ka na bang solusyon?" tanong ko habang nakatitig sa mga daliri ko.
"Meron na pero hindi ko alam kung papayag ka," seryosong sabi niya sa akin kaya tinitigan ko siya.
"Ano ba'ng gusto mong mangyari?"
"Na palabasing surrogate mother ka natin at sa amin ni Xandro ang batang 'yan," mahinang sabi ni Angel. Nagulat ako dahil doon kaya tumingin ako sa mga mata niya bago umiling.
"Hindi ako papayag d'yan," mahinang sabi ko kaya naman nakita kong sumilay ang ngisi sa mga labi ni Angel.
"Alam kong sasabihin mo 'yan," bulong niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romance"I guess my role ends here... Thank you for using me."