Enjoy Reading, Sweeties:)
Bernadette
"Kapag ibon lumabas talo ka ah!" rinig kong sabi ni Brent kay Jiji. Nasa sala sila ngayon at mukhang nagkakaroon sila ng pustahan.
Nagkalat ang mga notebooks nila sa maliit na lamesa sa sala at parehas silang nakasalampak sa sahig. Gumagawa siguro sila ng mga school works.
"Ibon nga sabi ako e!" sigaw ni Jiji pero dahil nga mapang-asar si Brent at hindi nagpapatalo ay hindi siya pumayag.
"Tao ka kasi!" sigaw pa niya kay Jiji.
"Sige payag-payag! Sabagay mukha ka namang hayop kaya tama lang na ibon piliin mo," pambabara ni Jiji kay Brent, "hindi pala mukhang hayop... hayop ka talaga."
"Ay nagsalita ang mukhang paa. Did you know that humans belong to the animal phylum known as chordates because we have a backbone? Oh hindi mo alam 'yon, bobo ka kasi," sabi ni Brent kay Jiji at hinampas pa dito ang hawak nitong notebook kaya naman mahina akong natawa.
"Aray! Ate oh!" sigaw ni Jiji at tumingin sa akin kaya naman napailing na lang ako.
"Brent!" kunwari ay suway ko kaya naman tumigil si Brent.
Napangiti ako.
Gustong-gusto ko ang nasasaksihan ko ngayon dahil nakikita ko ang unti-unting pagiging maayos ng mga kapatid ko sa kabila ng lahat nang mga nangyari sa amin.
Bumabalik na sa lahat sa normal.
"Sumbungera 'to! Lalagariin kita sa leeg e!" sigaw ni Brent.
Tumawa na ako dahil sa sinabi ni Brent.
"Sige na! Ang dami mo pang sinasabi! Flip mo na 'yong coin!" sigaw ni Jiji.
"Para saan ba 'yang ginagawa niyo?" mahinang tanong ko habang nakatitig sa kanilang dalawa.
"Ang matatalo siya ang maglilinis ng bahay sa weekends, tapos maglalaba ng mga bed sheets," sabi ni Jiji kaya naman natuwa ako.
Mas mababaliw siguro ako kung wala akong mga kapatid na tumutulong sa gawaing bahay since ako na ang provider ng pamilya.
Brent tosses the coin in the air and we all wait for the coin to fall and see what comes up. Whether head or tail.
'Kapag tao 'yan hindi ako papasok bukas,' bulong ko sa isip ko.
Masyado akong binabagabag kung ano na ang nangyari kay Xandro at Angel. Gusto kong malaman pero wala ako sa lugar para umeksena sa kanilang dalawa.
Para kaming tangang tatlo na titig na titig sa coin na bumagsak na sa tile at napaka-dramatic dahil nagpaikot-ikot pa talaga.
Nagpipigil kami ng hininga nila Jiji, pinagdarasal na mailabas ang pinili namin.
"Oh loko! Ibon lumabas!" sigaw ni Brent.
"Hayst!" sigaw naming pareho ni Jiji kaya naman nagkatinginan kami.
Naiinis ko pang binagsak ang likod ko sa malambot na sandalan ng sofa namin. Kailangan kong pumasok bukas!
"Maglilinis si Jiji! Maglilinis si Jiji!" asar ni Brent kay Jiji kaya naman napailing na lang ako at tumayo na sa kinauupuan ko. Kailangan ko ng pagkain.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romantik"I guess my role ends here... Thank you for using me."