Chapter 26

2.4K 103 58
                                    

Enjoy reading, Sweeties

Bernadette

Dahan-dahan akong umakyat sa pader namin dito sa likod-bahay. Dalawang araw ko nang ginagamit ang ninja skills ko para lang maiwasan si Xandro, sa hospital na ako natutulog kapag gabi at madaling araw na akong uuwi rito sa bahay para asikasuhin naman ang mga kailangan ni Brent.

Hindi pa rin kasi pwedeng umuwi si Jiji dahil hindi pa siya magaling at hindi pa naghihilom ang mga opera niya. Malaki rin ang tyansiyang hindi siya makalagad kaya need ng therapy session upang makalakad siya ng normal ulit dahil naoperahan nga ang kaliwang paa niya.

Kailangan kong dito dumaan dahil nasilip kong nandiyan na naman si Xandro at naghihintay sa akin.

"Sana tinawag mo na lang ako para tulungan kitang umakyat at bumaba diyan sa pader." Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Xandro. Dahil nga sa biglaan niyang pagsasalita ay napabitaw ako sa pagkakahawak sa pader dahil papalabas na ako ng bakuran namin.

Napatili ako dahil alam kong mahuhulog ako. Inasahan ko nang tatama ang p'witan ko sa lupa o kaya naman matutumba ako kaso naramdaman kong may humawak sa akin at tila sinalo ako.

Naramdaman ko na lang na tila hinatak niya ako kaya paharap akong nahulog sa dibdib ni Xandro. Nasa ibabaw ako ni Xandro na ngayon ay nakahiga sa sahid dahil nga sinalo niya ako. Parehas kaming natumba.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kan'ya ay nanlaki ang mga mata ko nang makita kong papikit-pikit siya. Nakayakap sa akin ang mga braso niya. Malaman ako pero parang ang liit-liit ko kapag nakakulong ako sa mga bisig ni Xandro.

"A-ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin pero mukhang siya ang hindi maayos dahil nga sinalo niya ang buong bigat ko.

Agad akong tumayo dahil naramdaman ko na naman ang kakaibang bilis ng tibok ng puso ko. Nagiging abnormal na yata lalo kapag magkadikit ang mga balat namin ni Xandro.

Hindi ko gusto ang pakiramdam na tila may dumadaloy na kuryente sa katawan ko kapag lumalapat ang balat niya sa 'kin.

"A-ayos ka lang ba? Bakit kasi bigla kang nanggugulat? Paano mo nalamang dito na ako dumadaan?" sunod-sunod na tanong ko at tutulungan na sana siya nang makita kong tila may dugo sa likod ng ulo niya.

Nakita ko siyang nahihirapan na umupo habang hawak-hawak niya ang likod ng ulo niya. Nang makaupo siya ng tuluyan ay tsaka ko nakita ang bato na siguradong doon tumama ang ulo niya kanina dahil nakita kong may bahid ng dugo 'yon.

Agad akong lumuhod upang masilip ko ang mukha niya. Dahan-dahan kong hinawakan ang likod ng ulo ni Xandro kung saan siya nakahawak ngayon.

Nang naramdaman kong basa ang palad ko ay bigla akong nilukob ng kakaibang kaba.

"Xandro dumudugo 'yong ulo mo," kinakabahang sabi ko.

"H-huh?"

Nagsalubong ang mga paningin naming dalawa kaya dahan-dahan kong pinakita sa kan'ya ang kamay kong may bahid ng dugo.

"I-I'm fine," he whispered. Pinilit niyang tumayo kaya agad din akong tumayo.

"No you're not!"

Hinawakan ko siya sa kabilang kamay niya at hinila sa maliit na daan papunta sa harapan ng bahay namin. Nagmamadali ang kilos ko at maya-maya kong pinipisil ang kamay ni Xandro na hawak ko.

Nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng bahay namin ay agad ko siyang pinaupo sa sofa at kinuha ang first aid kit. Mas maganda kung malalaman ko kung malaki ang sugat niya sa ulo.

Nakatalikod sa akin si Xandro habang magaan kong nililinis ang likod ng ulo niya sa kanang bahagi kung nasaan may sugat.

Parehas kaming tahimik lang at nakahinga ng maluwag nang makita kong hindi naman gano'n lalaki ang hiwa sa ulo niya. Malayo pa 'yon sa bituka. Nang tuluyan kong tinakpan ng gasa na may kaunting povidone iodine ay inayos ko na ang first aid kit.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon