Chapter 36

5.3K 108 52
                                    


Enjoy reading, Sweeties


R-18

Bernadette

Kanina pa ako pabalik-balik na naglalakad sa sala namin at pansin kong kanina pa rin nahihilo si Jiji na kasalukuyang nanonood ng kinababaliwan niyang palabas ngayon.

"Si Margarita ang pumatay! Legit na! Final!" sigaw bigla ni Jiji habang tutok na tutok sa telebisyon ang tingin niya. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kabobohan kong taglay.

Naalala ko kasing wala akong kahit na ano'ng magandang damit na kulay dilaw. Ang yabang ko sa part na, ako pa mismo ang nagsabi na dilaw ang susuutin ko dahil 'yon ang paboritong kulay ni Xandro.

Nakakahiya naman kung pambahay na damit ang isuot ko. Baka madismaya sa itsura ko si Xandro.

Nagtaka na lang ako nang marinig kong may tumigil na sasakyan sa tapat ng bagay namin. Muling kumabog ang dibdib ko lalo't si Xandro lang naman ang inaasahan kong susundo sa 'kin.

Hindi pa ako nakabihis.

"Nandiyan na si Kuya Xandro, Ate. Aalis ka na agad?" tanong ni Jiji kaya naman napabuntong hininga ako. Bahala na.

Lumabas ako ng bahay at nakita ko nga agad si Xandro na nasa harapan ng gate namin. Sakto yatang kalalabas niya ng sasakyan niya. Napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman ko.

Nakita ko siyang tinitigan ang suot kong damit. Siguradong nagtataka siya ngayon kung bakit hindi ako nagsuot ng sinabi kong kulay sa kan'ya kagabi.

"Aalis na ba tayo?" mahinang tanong ko.

"Nandiyan ba si Tito? Ipapaalam na muna kita," mahinang saad niya kaya naman tumango ako bago ko buksan ang gate upang makapasok siya.

Walang nais na magsalita sa 'ming dalawa ni Xandro. Hindi ko rin kasi alam kung ano'ng sasabihin ko.

Hanggang sa binabaybay na namin ang daan papunta sá subdivision kung nasaan ang bahay niya ay wala ni isang gustong magsalita sa 'ming dalawa.

Gusto kong sabihin na wala kasi akong kulang yellow na damit kaso nanguna sa 'kin ang kaba. Sigurado naman na ako sa sagot ko pero hindi ko lang gustong pangunahan si Xandro. Gusto kong siya ang magtanong dahil nahihiya ako.

"Bukas... magpapa-check up tayo," mahinang saad niya.

Halatang hindi maganda ang timpla niya ngayong hapon kaya minabuti kong hindi sabayan ang galit niya.

"Okay," I whispered.

Muli kaming sinakop ng katahimikan. Napanguso naman ako dahil baka may nangyaring hindi maganda sa opisina kanina. Hindi kasi ako pumasok dahil hinayaan naman ako ni Xandro na ilaan ang oras ko sa pamilya ko.

"How's Jiji?"

"Ahm... ayos naman na siya kahit na papaano. Konti na lang ay makakapasok na siya ulit sa school," mahinang saad ko. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaibang kaba dahil kung tutuusin ay ganito naman kalamig minsan si Xandro kapag ako ang kasama niya.

"Mabuti kung gano'n," maikling sagot niya sa 'kin at hindi na muling nagsalita pa kaya naman napabuntong hininga ako.

Minabuti ko na lang din na maging tahimik ngunit dahil nga hindi ko mapigilan na magsalita ay muli akong tumingin sa kan'ya upang magtanong.

"May balita ka na ba kay A-Angel, Xa—"

"I don't want to talk about her."

Muli kong naitikom ang bibig ko na para bang napahiya ako sa sinabi niya. Gusto ko lang naman makibalita. Nais kong makausap si Angel upang sabihin na wala siyang mapapala sa 'kin. Pursigido na akong magsimula kasama si Xandro, isang dahilan na rin ay gusto ko ng buong pamilya para sa batang nasa sinapupunan ko.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon