Chapter 6

4.2K 89 15
                                    

Happy 3,100+ Followers sa ating Sweeties. Arigato! GOD BLESS. MWA! UWU!

Enjoy Reading :)


Bernadette's POV

"Ate Berns, kain na raw po," sabi ni Jiji habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko at nakatitig lang sa desk ko rito sa kwarto ko.

"S-sige Ji, bababa na lang si Ate mamaya. Mauna na kayong kumain," medyo may kalakasan na sabi ko.

"Lagi ka na lang pong hindi sumasabay sa amin sa pagkain ate Berns. Ayos ka lang po ba?"
tanong ni Jiji kaya naman napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis.

"Ayos lang ako Jiji! Ang kulit-kulit mo!" sigaw ko kaya naman natahimik si Jiji sa labas ng kwarto ko.

Napakagat din ako sa ibabang labi ko dahil maging ako ay hindi ko namamalayan na nasigawan ko na si Jiji. Hindi ako palasigaw na ate kaya naman mas diniinan ko ang pagkakasabunot sa buhok ko.

Hindi ko alam kung hihingi ako ng tawad kay Jiji dahil sa biglaang pagsigaw ko sa kanya.

Baka dibdibin niya. Tatayo na sana ako nang marinig ko ang boses niya na nangaggaling pa rin sa labas ng nakasara kong pinto.

"S-sige po ate, pahinga ka na po. Sorry ulit po sa abala." Napalunok ako ng ilang beses at napatitig sa salamin malapit sa lamesa ko.

Tatlong araw na akong hindi naliligo, hindi pumapasok, at hindi nakikipag-usap kahit kanino. Maging kila Jiji hindi ko sila kinkausap dahil pakiramdam ko ay bibigay ako sa harapan nila.

Hindi pwedeng magmukha akong mahina kila Jiji.

Dalawang gabi na akong walang tulog at hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.

Mukhang magiging tatlong gabing sabog ako. Pero sa tatlong araw na 'yon ay sa pagkain ko nilalabas lahat ng sama ng loob ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ang masakit, iniisip ko na na nagmumukha na akong si Papa.

Ang hindi ko matanggap ay hindi man lang ako tinatawag ni Lance o nagtetext man lang sa akin. Sobrang dami ko nang text at missed call sa kanya pero hanggang ngayon walang paramdam. Hindi ko alam pero mababaliw na ako kakaisip kung maniniwala ba ako sa Mama ni Lance.

Nang sinabi niya 'yon sa akin ay wala naman siyang ibinigay na ebedensiya para paniwalaan ko siya.

Pero hindi nagpaparamdam si Lance...


Na lalo kong kinakainis. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Napatingin ako sa cellphone ko nang may tumatawag. Nabuhay ang saya sa puso ko at pag-asa na siyang nawala rin nang makita kong hindi si Lance ang tumatawag sa akin.


Para na akong tanga na palakad-lakad sa kwarto ko at hindi sinagot ang kung sinong tumatawag.

Sino ba nga ba ang tumatawag?

Hindi ko na alam. Tanging si Lance lang ang nasa isip ko at kung totoo bang kinasal na siya.

Paano siya ikakasal kung meron ako? Hindi naman kami naghiwalay. Lance can't fool me; he loves me so much.

"Kailan ka ba uuwi?" mahinang tanong ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Maliban sa akin ay si Kassidy palang anng nakakaalam.

Gusto ko sanang ipaalam kay Angel kaso alam kong may problema rin na kinakaharap ngayon si Angel. Ayaw kong maging burden kahit na kanino.

Pero dadagdag lang talaga ako sa problema niya kaya kung maaari ay mas gusto ko na lang na sarilihin. Hindi dapat ako basta-basta maniwala sa Mama ni Lance.

The Billionaire's SurrogateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon